Chapter 61

6.4K 164 14
                                    

~*~

Mikay's POV

Natapos ang New Year ng amin dito sa Korea ng masaya. Sayang nga e di kami gaanong naka pasyal kase ayaw kaming palabasin nila Zorren ng kami lang. Delikado daw. Ewan ko nga sa kanya kung bakit e pero okey na din yun atleast naka bili ako ng regalo ko may mama. Tsaka sabi nila Zorren sa akin babalik daw kami dito pag okey na ang lahat.

Nakaka pag taka nga e. May problema kaya sya dito sa lugar nila? Paano ba naman kase nagkaroon ng problema? Maganda naman dito sa Busan tapos parang wala namang dapat ikatakot pag lalabas ka kase friendly naman yung mga tao.

"Beb. Wala kana bang naka limutan?"

"Yeah. Okey na. Iinom lang ako saglit ng gamot kase medyo masakit pa ulo ko e" sagot ko dito. Tumango naman ito at sumenyas na sumunod na ako sa labas. Tinanguan ko lang naman sya.

Uminom ako ng gamot at nagpunta kila yaya Loring na nasa kusina. Nag paalam ako dito at sa iba pang mga katulong dito bago tuluyang lumabas. Mga pilipino ang katulong nila Zorren dito. Buti nalang kase nakakausap ko sila kaysa naman korean edi nagmukha akong tanga kase wala akong maintindihan sa sinasabi nila diba.

"Let's go" sambit ko at agad ng sumakay sa sasakyan. Dumiretso naman na kaming pumunta sa Airport at agad ding naka sakay ng eroplano.

Bago ako makasakay nilingon ko muna ang kabuoan ng airport.

Byee. Korea.. Babalik ako pramiss.

Naupo ako sa occupied seat ko at sinalpakan ang tenga ko ng headset.

Habang nakikinig ako ng music at abalang nakatingin sa labas. Grabe kase mamimis ko ng Korea. Kahit saglit lang kaming nag stay dito parang napamahal na sa akin to e. May mganapanuod din kase akomga KoreanNobela at alam kong sikat ang kdrama sa Pilipinas. Wala e di ako tiga dito kaya sorry nalang ako..

"Pst. Babe" kinalabit ako ni Zorren. Kinunotan ko naman ito ng noo. Grabe sya maka babe ha. Kala mo talagang Babe ko na nga sya.

"Naku ikaw wag mokong maBabe babe dyan ha" pag tataray ko sa kanya. Matapos nya kaming pagbawalang mamasyal at magpakasaya nila Julie dito sa Korea, binebabe babe niya na ako. Kapal nya.

"Ihh. Panget sorry na" sinamaan ko naman sya ngayon ng tingin.

"Nung una babe tapos ngayon panget? Grabe ka naman" tapos inirapan ko sya at humarap ako sa bintana. Nakaka badtrip sya. Tanggap ko na yung Babe na sinabi nya e tapos ginawa pang panget. Bwisit na 'to.

"Oh edi babe nalang" sambit nito kaya napa tingin ako sa kanya. "Ang ganda mo" bahagya akong napangiti sa sinabi nito pero agad din lang akong umiwas. Pakiramdam ko kase mag iinit ang mukha ko sa pinag sasasabi nito e.

Nyeta. Bat kinikilig akoo...

"Sorry na. I promise pag kasal na tayo ibabalik kita dito. At tsaka ipapasyal ko kayo ng mga anak natin pa~ Aray!!!" Binatukan ko nga. Masyado siyang advance ah. Pero kinilig ako...

"Bakit ka nambabatok?" Sabi nito habang hinihimas himas ang batok nya.

"Napaka advance mo mag isip ano. Tsaka sigurado kaba na ikaw si destiny ko?" pag tataray ko at agad syang tinalikuran. Pero walangya. Hustisya naman oh. Bakit ganito kabilis ang kabog ng dibdib ko? Tapos diko maiwasang di mapangiti. Pakiramdam ko nga tumitirik pa mata ko sa lagay kong 'to.

Hayst.. Ano ba Amira wag kangang kiligin. Tandaan mo tinawag ka nyang panget.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon