weh

23 1 3
                                    

For me, she's attractive.

Kahit na may katabaan. Maganda siya. Matangkad at may pagka singkit ang mata. Ang kaso, medyo natatakpan yung maganda niyang mata kapag nakasalamin siya.

She's my schoolmate. Isa siya sa pinakamatalino dito sa school namin.

Wala masyadong pumapansin sa kanya dahil mailap siya. Halos lahat ng mga kaklase niya ay natatakot lapitan siya.

Kahit napakamailap siya sa mga tao. Napakamatulungin niya. Isang araw, nakita ko siyang tinulungan ang isang matanda habang pauwi. Medyo madungis ang matanda pero hindi siya nandiri.

Unang beses ko siyang nakitang ngumiti nun, nakabraces siya.

Hindi ko alam pero unti-unti kong nagugustuhan ang mga magagandang ugali niya.

Simula noong araw na 'yon, sinusundan ko siya hanggang sa sakayan ng jeep, para masigurong makakasakay siya ng ligtas.

Parati ko parin siyang nakikita sa school.

Minsan, sinadya kong banggain siya. Nagkadikit ang balat naming dalawa, para akong nakuryente kaya napamura ako. Tiningala niya ako, nakakunot ang nuo niya. Baka inisip niyang siya ang minumura ko.

"Hindi ikaw ang minura ko!" Agad kong sabi.

Umiling siya, "Hindi 'yon, hindi mo ba ako tutulungan. Nahulog ang mga libro ko dahil sayo."

Ikaw, kailan ka mahuhulog sa akin?

Medyo napahiya ako dun, pero ngumiti lang ako. Suplada pala 'to...

Binigay ko sa kanya ang mga libro.

"Sa susunod, mag-ingat ka. Baka hindi na libro ang mahulog..."

Tiningnan niya lang ako. At tumalikod.

Sinundan ko siya ng tingin, hindi kaya siya napapagod? Nasa 3rd floor ang room niya at ang dami niyang dala.

Dahil nga nag-aalala ako sa kanya, sinundan ko siya pauwi.

Pasimple akong sumunod sa kanya hanggang sakayan ng jeep. Pagkasakay niya ay sumakay na din ako. Mabuti nalang at medyo malayo siya sa akin, baka mahalata niyang sinundan ko siya.

May kinuha siya sa bag, at inilabas 'yon. Cellphone at earphone. Buong byahe ay doon lang nakatuon ang mga mata niya. Minsan ngumingiti ng kaunti, minsan parang naluluha.

Hinugot niya ang pera niya sa bulsa, "Armor Village lang, 'Nong..."

Hinugot ko din 'yong 20 pesos kong pera at sinabi kung saan ako bababa.

Bumaba siya ng jeep kaya sumunod ako. May mga pedicab na naghihintay ng pasahero doon, ang akala ko ay sasakay siya dahil pagod dahil traffic. Pero, hindi. Naglakad siya.

Nang makita kong medyo malayo na siya ay simulan ko na ang paglalakad para masundan siya.

Huminto siya sa malaking bahay. Mukhang bahay na nila 'to. Nag door bell siya at may lumabas na babae. Mukhang Mama niya, nagmano muna siya bago pumasok.

Ilang minuto akong nakatingin doon bago nagpasyang umalis.

Alam ko na kung saan siya nakatira...

Matapos ng gabing 'yon, 'di ko na siya nakita ulit sa school. Sinadya ko pang pumunta sa room nila para magtanong kung bakit wala siya.

"Absent si Cherry? Bakit?"

"Mukhang may sakit yata, e..."

Nag-alala ako sa sinabi ng kaklase niya. Baka malala 'yon! Pero baka lagnat lang naman.

Ilang linggo na ang lumipas bago ko siya nakita.

Masaya ako ng makita ko siya ulit. May napansin ako sa kanya, parang lumalim ang kanyang mga mata. Medyo maputla ang kanyang balat. Baka dahil maputi siya?

Katatapos lang nun ng Quarter Exam, kaya siguradong hindi siya makakatake. May pagka strict ang school namin. Ang Zamboanga National Highschool West.

Madalas na ang pag-absent niya, madalas na din akong pumupunta sa room nila. Pero walang matinong sagot ang mga kaklase niya.

February 4, pumasok siya. Napangiti ako nang natanaw ko siyang naglalakad. Pumayat siya, halata sa katawan niya. Mas lalo siyang pumuti. Mas lumalim ang mga mata niya.

Realising of cards, kinakabahan ako sa grado ko. Pero mas kinakabahan ako para sa mga grado niya.

Madalas siyang absent kaya siguradong mababa ang grado niya. At baka hindi siya kasali sa mga Honors.

Nakita ko siya sa Exit ng building ng Oeste, wala masyadong taong dumadaan doon dahil medyo malayo.

Umiiyak siya, kaya bahagyang namula ang kanyang mukha.

Nakatingin siya sa Card niya. At alam ko na kung bakit.

Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng panyo.

Hindi siya nag-atubiling kunin 'yon.

"Alam ko na ganito ang mangyayari sa grades ko. Pero bakit masakit parin?" Nagulat ako nang tanungin niya ako.

Patuloy ang pagluha niya, tinanggal niya ang glasses niya at pinahiran ang kanyang mata.

"M-May susunod pa naman, d-diba?"

Ngumiti siya nang marinig niya ang pagkakautal ko. Shit! Nakakahiya...

"Grade 10 na tayo. Tapos Grade 11, baka hindi na ako umabot."

Inabot niya sa akin ang panyo at, "Salamat, Ric..."

Umalis siya, nakangiti siyang umalis. Basa pa ang panyo dahil sa kanyang luha.

Hindi ko na siya nakita matapos 'yon. Hanggang sa natapos ang mga araw ng Marso at mag Aabril na. Mag-gi Grade 11 na kami.

Miss ko na siya. Miss ko na ang pagtanaw sa kanya sa malayo.

Kaya, noong birthday niya. May 2, pumunta ako sa bahay nila. Balak kong mag-iwan ng regalo sa harap ng gate nila.

Iba ang bumungad sa akin.

Nadurog ang puso ko. Nakita ko siyang inilagay sa stretcher. Sobrang putla niya at hawak-hawak niya ang kanyang ulo. Halatang nasasaktan siya.

Umiiyak ang kanyang Mama, pati na din ang kanyang bunsong kapatid.

Narinig ko siyang sumigaw, "Ma, ayoko na! Please, gusto ko nang magpahinga!"

Hindi ko itinuloy ang plano ko, tinignan ko box. Binili ko pa sa National Bookstore ang laman nito. Isang ballpen...

May nakita akong nakasulat sa kanyang palad noon.

'Ballpen lang, Ma'

Mahilig siyang magbasa at magsulat kaya 'yon ang binigay ko.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Para akong tangang naglalakad nang lumuluha.

Bakit hindi ko agad napansin 'yon? Namayat siya, namutla at lumalim ang mga mata.

Unang araw ng pasukan, nabalitaan kong namatay na siya. Hindi ako pumasok nun. Pumunta ako sa lamay niya.

Bitbit ko ang regalo ko para sa kanya. May kaunting tao akong nakita, nandoon ang Mama niya. Umiiyak.

Alam kong hindi nila ako kilala, pero pumasok ako.

Napatingin ang Mama niya sa akin at ngumiti.

Ngumiti ako pabalik. Lumapit ako sa kabaong. Napaluha ako nang makita ko siya sa loob nun.

Inilapag ko ang regalo ko sa kabaong.

Lumapit sa akin ang Mama niya at tinapik ako sa balikat.

"Masaya siya nang lumisan, kahit nasasaktan siya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CherryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon