Chapter Thirteen

61 4 3
                                    

Chapter  Thirteen:

Anghirap talaga kahit kailan ang maging isang talunan. Tulad nalang ngayon. Natalo ako sa nilalaro naming board game kanina kaya ako ang malas na nautusang bumili ng lunch namin. Andami pa naman nitong mga to kung magpabili. Buti na lang at sinumpong si Sean ng pagiging gentleman niya at nag-volunteer na samahan ako.

“Teka. May bibilhin lang ako dito.”

Pumasok ako sa loob nung tindahan at kumuha ng dalawang Nescafé Ready-to-Drink Latte.

Nakaramdam ako ng kaunting ngiti sa mga labi ko. May ilang araw ko na ding gawain ang bumili nito. Iinumin ko yung isa habang yung isa naman ay ibibigay ko kay Kian. At sa bawat araw na ginagawa ko yun, hindi ko mapigilang maging sobrang saya.

“Makatulog ka pa kaya niyan?”

Sumulpot nanaman siya sa tabi ko. Buti nalang at sanay na ako. Dahil kung hindi, malamang ay nahampas ko na sa kanya ‘tong hawak ko.

“Pakialam mo?”

Hindi naman sa galit ako o kung ano man. Nakasanayan ko na lang talaga na maging ganyan sa kanya kaya mahirap nang baguhin. At isa pa, masyadong malawak ang utak ng lalaking ‘to at baka kung anong bagay pa ang maisip niya.

Pumunta na ako sa may counter habang siya naman naglakad na papalabas.

“Sa dorm nalang daw natin dalhin.”

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa dorm nina Frances. Mahigit four hours din na break namin kaya naisipan naming maghanap ng ibang lugar na pwede mapagtatambayan. At yun na nga ang dorm ng bestfriend ko.

Tahimik lang akong naglalakad. Bukod kasi sa hindi ko feel kausapin tong kasama ko, nahihirapan na din ako sa mga dala ko.

Biglang tumigil si Sean sa paglalakad. Nakita ng peripheral vision ko na humarap siya sa akin pero hindi ko yun pinansin. Tumigil ako pero hindi ako tumingin sa kanya.

“Akin na nga yan.”

Lumapit siya sa akin para kunin yung mga dala ko pero umatras naman ako.

“Ayos lang ako.”

Siguro nga medyo may kabigatan ang dala ko pero wala ito kung ikukumpara sa mga dala niya. Pero ano ba nga naman ang laban ko sa isang taong ubod ng tigas ng ulo?

Kinuha na niya yung mga dala ko at nagsimula nang maglakad papalayo sa akin. At syempre, wala naman akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nauuna siyang maglakad habang ako naman yung nasa likod niya.

Minsan talaga hindi mo maintindihan ang lalaking ‘to. Nung isang araw, halos magwala ako sa sobrang pang-iinis niya. Ngayon naman sobrang bait niya kahit na halata namang tinitiis lang niya yung bigat ng dala niya. Mga pasikat nga naman.

Pagkatapos naming kumain ay gumawa kami ng mga kung anu-anong pampalipas ng oras. At nung malapit naman na ang 4 o’clock, sabay-sabay na kaming bumalik sa college namin.

“Oy san ka pupunta? Dito ang comp lab oh.”

“Alam ko. May dadaanan lang ako saglit.”

Pumunta na ako sa loob ng faculty room. At tulad nga ng inaasahan, bilang na bilang lang ang mga professors na andito. Naglakad na ako papalapit sa mga cabinets na para sa mga professors. Dito ko kasi parating iniwan yung latte na binibili ko para sa kanya.

Tumingin tingin muna ako sa paligid. Mabuti nang nakasisigurado.

Dali-dali kong nilagay yung latte sa loob ng cabinet ni Kian at lumabas na kaagad ng faculty room.

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon