Mahal naaalala mo pa ba?
Kung paano nagsimula
Ang ating masayang pagkakaibigan
Na humantong sa pag iibiganDahil ako mahal tandang tanda ko pa
Yung mga panahon na nakilala kita
Lumapit ako sayo, Tinanong ko kung pwede ba
Kung pwede bang maging kaibigan kaAt ayun nga naging kaibigan kita
Napuno ng saya at tawanan ang ating pagsasamahan
At di ko namamalayan
Na sa bawat pag ngiti mo sa akin
Ay merong pusong tumatalon talon sa tuwa
Na sa bawat pag haplos ng kamay mo sa kamay ko
May pusong kumakawala
Na sa bawat pag yakap mo sa tuwing nalulungkot ako
Nandun ang puso ko na nahuhulog na palaPinigilan ko ang nararamdaman ko para sayo
Dahil alam ko sa sarili ko na magkaibigan nga pala tayo
Natatakot ako, Natatakot ako sa nararamdaman ko
Sinasabi ng utak ko sa puso ko na:
"Hindi pwede dahil magkaibigan kayo!"Pero sabi nga nila hinding hindi mo madidiktahan ang puso
At dahil don ang puso ko pa rin ang nasunodDumating na ang araw na magtatapat na ako sayo
Kinakabahan ako
Pinagpapawisan ang mga kamay ko
Kumakabog kabog ang dibdib ko
Pero nagawa ko pa rin hawakan ang mga kamay mo
Hinila kita papalapit sakin
At ang sabi ko, "may ipagtatapat ako sayo"
Bahala na! Pero magtatapat na talaga ako
Ipagtatapat ko na ang nararamdaman ko
"Alam ko nakapang hihinayang na mawawala ang ating pagkakaibigan
pero mas manghihinayang ako
kung mapupunta ka lang sa ibang tao"
May pagtatakang hinarap mo ako
At ang sabi mo: "Nababaliw ka na! Ano bang pinagsasabi mo?"
"Oo tama ka nababaliw na ako
Nababaliw na ako kasi di ko na kayang itago ang nararamdaman ko!
Dahil itong puso na ito ay nahuhulog na sayo"
Tinawanan mo lang ako noon
Pero ang pagtawa na yon ay napalitan ng seryosong mukha at hinawakan mo ako
At ang sabi mo: "hindi lang ikaw ang nakakaramdam niyan kasi itong puso nato ay natutunan ka na ding mahalin, dahil aamin na din ako nahuhulog na din ako sayo"Pinakamasayang araw ko yon
Di ko akalain na yung taong mahal ko
Ay mahal din pala ako
Hindi ko maisip na sa pagtatapat ko sayo
Ay hahantong sa salitang "tayo"
Ngayong hawak na kita
mahal, di na kita bibitawan paBy: Ally ❤️