Epilogue Part 1

3.9K 79 14
                                    

Snow's P.O.V

It's done. The war has finally ended, but it left a scar on us. The scar that will forever be in us. Time will heal it but it will never disappear.

Tulala akong nakaupo ngayon habang hawak parin si Tiffany, rinig ko ang sirena ng sasakyan ng mga pulis. Ang sirena ng ambulansya. Ang iyakan ng mga kaibigan ko, ang tawag sa akin ng taong mahal ko. Pero bakit parang wala akong pakealam? Bakit parang namanhid ako?

"Snow! S-she's alive! May pulso pa siya!"

Ang sinabing iyon ni Autumn ang nagpabalik sa akin sa sarili ko. I checked Tiffany's pulse, it's faint but still! She's alive!

Para akong muling nabuhay dahil hindi pa kami tuluyang iniwan ni Tiffany. Alam kong lumalaban siya ngayon para sa amin. She doesn't want to leave us.

"W-we should bring her to the hospital!"

Kaagad na tinawag ng mga kaibigan ko ang mga nurse na ngayon ay inihiga sa stretcher si Tiffany. Sumunod naman ako sa kanila sa pagsakay sa ambulansya, naramdaman ko ang pagsunod ni Storm sa akin sa loob ng sasakyan. Inalalayan niya ako sa pag-upo at hinawakan ang mga kamay ko.

Tinignan ko si Tiffany na ngayon ay kinakabitan ng mga kung ano-ano. Kinakabahan ako. Nangangamba na iwan din niya kami katulad ng ginawa ni Andrea. Ayokong maulit ang nangyari noon. Ayokong maulit muli ang pagkakamali namin noon ng dahil sa sakit at galit na naramdaman namin noong nawala si Andrea. Napakagat ako sa labi ko dahil sa takot na nararamdaman ko, naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Storm sa kamay ko.

"Snow, you're tired. Please rest."

Yan lang ang sinabi niya pero ramdam ko ang paga-alala niya sa kalagayan ko. Ramdam ko parin ang patuloy na pagdaloy ng dugo mula sa likuran ko pero wala akong pakealam. Mas kailangan ni Tiffany ang magamot. I can bear the pain of my wounds, but I can't bear the pain when my friend's life is on the line.

"Snow, you're still bleeding. Baka mapano ka pa niyan eh."

Hinawakan ko naman ang kamay niya, and gave him a faint smile. Ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng mga talukap ng mga mata ko pero nilalabanan ko ito. I can't take a rest while Tiffany is still being revive.

"Kaya ko pa, don't worry. I can still handle the pain. I j-just need...y-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng niyakap niya ako. Right, I just need him. I just need him by my side. I just need his comfort. That's what all I need. Him.

Hindi ko na kinaya at tuloy ang pagluha ko hanggang sa humagulgol ako. It hurts. It really hurts. I can't lose another friend. Ayokong mawalan ulit ng kaibigan. Ayokong mawalan ulit ng mahal sa buhay. I don't want to feel again the pain that I felt before. I don't want us to suffer for the second time around.

"Shh, just cry. Ilabas mo lahat hanggang sa mawala. I'm just here. Just say it and I will do everything for you, my Queen."

Gaya ng sabi niya ay nilabas ko lahat ng sakit nararamdaman ko. Kahit pa mabasa na ang damit niya, kahit pa dumikit sa kanya yung dugo ko, he didn't leave me. Basta nandiyan lang siya sa tabi ko, makakaya ko ang lahat. Because he's my strength but also my weakness.

Umiyak lang ako habang nakakulong ako sa mga bisig niya. I feel so secure between his arms. This is my safezone. Parang walang mangyayari anumang masama sa akin kapag nasa mga bisig niya ako.

"I-I'm tired. Tired of crying. Tired of running away from the past. Tired of being so weak. Tired of fighting. I'm so damn tired!"

Hindi ko napigilan ang sarili kong bigkasin ang mga salitang iyon. Ang mga salitang nais kong sabihin noon pa man. Ang sakit isipin na dahil sa pagtatago namin ay nangyari ang lahat ng ito. Nasaktan nanaman ang mga mahal ko sa buhay. Why am I like this? Always dragging someone into my own mess.

Princesses In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon