Hello Dearest,
Yehey! First update ng Performance Brothers for 2018. :) Kumusta na dearest?
Get to know me and my characters sa mga social media accounts ko po. Alam niyo na po from previous update kung para saan po ang mga sumusunod. Pero p-in-ush ko po talaga ang YouTube ngayon. Naka-link po yung #NeriKemeVlog video ko. Keme palang po yan pero ipopost ko na po sa mga darating na araw yung legit na vlogs ko. Nire-ready ko lang po. Sana naman po pa-subscribe. hehe! Maraming salamat dearest! First comment and first like sa chapter na ito ay ide-dedicate ko sa kanila ang chapter na ito at ang kasunod na chapter. Lahat naman po ng mag-subscribe sa YouTube account ko ay babatiin ko sa next published book ko. Okay po ba yun?
Wattpad: @Neri_Joy_Jayson
Booklat: Neri_Joy_Jayson
Facebook: Neri Joy Jayson
Twitter: @lady_25me
Instagram: @neri_joy_jayson
Youtube: Neri Joy Jayson
Link ng Precious Online Store
(https://www.preciousshop.com.ph/home/) (https://preciouspagesebookstore.com.ph/)
Link ng Precious Hearts Pocketbook Page
(https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/)
Link ng Booklat Page
(https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/)
Chapter Twelve
Hinayaan lang ni Aimee ang mga labi ni Arwynn na nakadampi sa kanyang mga labi. Kahit lasing ito ay hindi pa rin mapusok ang pagangkin nito sa kanyang mga labi. He seems to be respecting her. Parang may kakaiba kumpara sa mga babaeng nakita niyang hinalikan nito sa elevator, sa bar, sa tabing daan, sa sasakyan at kahit saan pang pampublikong lugar na kasama siya. She just closed her eyes and pretend that it was just a dream, a beautiful dream.
"I love you Aimee..." suminghap ito saglit saka sinabi ang mga katagang iyon.
Dagling namulat niya ang mga mata na para bang nagising mula sa isang panaginip. Panaginip na masaya pa man din. Pero ayaw niyang manatili sa panaginip na iyon. Ayaw niyang managinip nalang. Tinulak niya si Arwynn palayo sa kanya. Saka umakmang tatayo.
"Saan ka pupunta? Aimee I..." he held his wrist. May sasabihin pa ito ngunit hindi na niya pinatapos pa. Agad niyang binawi ang kanyang kamay saka iyon pinadampi sa pisngi ng lalaki para bigyan ng isang malakas na sampal.
"Lasing ka Arwynn! Wag mo akong paglaruan! Mahal mo ako bilang isang kaibigan, oo alam ko na ýon! Pwede ba tigilan mo na ang pakikipaglaro mo sa mga babae? Hindi ka pa rin ba talaga nadadala? Kung ayaw mong pati ako mawala sayo at tigilan mo na ito at umayos ka." Mabilis pa sa alas-kwatro siyang umalis patungo sa loob ng kanyang kwarto.
"Aimee..." narinig pa niyang binulong nito ang kanyang ngalan.
Pagpasok sa kanyang silid ay pinigilan niya ang luhang papatak na sana sa kanyang mga mata. "Paulit-ulit nalang na ganito. Ayoko ng mahulog sayo BEST FRIEND." saka niya pinilit na makatulog.
Kinabukasan, mahirap mang kalimutan ang halik at labi ni Arwynn ay gumising si Aimee na parang wala lang. Parang walang nangyari. Naghanda na naman ito ng makakain. Tanghali na rin iyon. Brunch na.
"Tara Aimee kain na tayo. Kanina ko pa ito ni-ready eh. Medyo lumalamig na." nakangiti nitong pag-imbita sa kanya. She felt awkward deep inside her. Una pa man din niyang natingnan ang mga labi nito.
BINABASA MO ANG
PERFORMANCE BROTHERS
Genel KurguThis is the story of Arwynn and Ardel, the Pineda brothers. A sequel of 'The Hottest Bed in Town'. Babala: 100% Performance Level. 100% Hot and Steamy. Read at your own risk.