Chapter 3: Holdaper

96 3 0
                                    


Pupunta kami ngayon sa paaralan na paglilipatan namin ni Arminda.

Lilipat kami sa paaralan ng St. Jose Academy. Doon ay may mas marami kaming makakasalamuha at makakalaban pag dating sa patalinuhan, kaya napagdisisyunan namin ni Minda na sa SJA na lamang mag aral. Para hard to get naman ang honor na matatanggap.

"Kahapon kasama kita, hanggang ngayon kasama nanaman kita! Wow!"

"Gusto mo ba panghabang buhay?", sinabi ko sakanya na may pag kaseryoso pero biro lang.

"Ahh! Yang mga bars mo ha! Hahahaha!"

"Psh."

Nag lalakad na kami sa kalsada pra mag punta sa pilahan ng mga Jeepney ng biglang may mga taong nag tatakbuhan papunta sa mga harap namin hanggang sa makarating sa likuran namin.

"Ate! Anong po ang nangyayari?!"

"Huwag na kayong mag tanong! Tumakbo nalang kayo dahil may mga holdaper jan sa jeep na nakikita nyo ngayon. Tumakbo na kayo at hala! Baka masaktan kayo! Dali dali! Anak dito kalang sa tabi ko, ano ba!", pag papanic ni Ate kasama ang kanyang anak na pinag tanungan namin.

"Minda dito ka lang o 'di kaya tumakbo kana rin. Tutulungan ko lang 'yung hino-holdap sa loob ng Jeep. Dali takbo kana at baka tumakbo pa ang suspek at makuhaan ka!", pag uutos ko kay Arminda.

Agad rin naman s'yang sumumod.

Dumiretso ako papuntang Jeep at sobra kong hinigpitan ang pagkakakapit ko sa kamay ko para handa nang manapak. Nang sumilip ako sa Jeep ay may nakita akong mag-ina na tinututukan ng magnanakaw ng kutsilyo at sobra 'kong naawa sa kalagayan nila.

Baka kung mapaano sila.

Sana ay walang mangyaring masama.

"Kuya!", unang tawag ko sa mag nanakaw na agad n'ya akong nilingon. "Huwag mo na hong ituloy 'yan dahil nakakaawa po ang mag-nanay na kinukuhaan n'yo. Nakikiusap ho ako. Please!", sinagot nya naman ako nang nagtatakang mukha at seryoso parin ang aking muka para hindi mahalatang natatakot ako.

Natatakot para sa nanay at sa kanyang anak.

"Aba! Gusto atang madamay ng batang ito ha! Ano naman ang matutulong mo sa mga ito? Ha?!", walang takot na sinabi n'ya ito saakin habang s'ya ay nakatalikod.

"Hindi ko gustong madamay sa isyu na ito. Ang akin lang, tutulungan ko ang mag nanay na iyan kahit na anong mang yari. At kung ayaw mong masaktan, itigil mo nayan. Psh!", kung ayaw n'yang tumigil, ako ang magpapatigil sakanya.

"Ahhh! Gusto mo talaga ng action movie sa buhay mo ah!"

*WAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!*

Tinangka akong saksakin ng holdaper at sa kasamaang palad ay hindi ako tinamaan nito. Agad akong umilag at hinawakan ang kamao n'ya na may hawak na kutsilyo at sabay na sinipa ito upang tumalsik sa papalabas.

"Kung ako sayo, susuko na ako!"

"Bakit naman ako susuko bata?!"

"Hindi ko sinabing sumuko ka, ang sabi ko ay kung ayaw mo lang naman masaktan."

"Ano naman ang gagawin mo sakin ngayon?"

"Kung lalapitan mo ako at kung sino pa man dito, makikita mo ang gusto mo!"

"Hahahaha! Bakit naman ako matatakot sayo?"

"May sinabi ba akong matakot ka?" ani ko na nag mamatapang.

"Ngayong araw na'to nanalo ka sakin, bata! Pero ipinapangako kong babalikan kita at hindi lang kutsilyo ang makikita mo, tandaan mo 'yan!"

Seryoso parin ang mukha kong tinititigan s'ya habang papaalis na ito.

"Ayos lang ho ba kayo, Manang?"

"Oo, Iho. Salamat at niligtas mo kami ng anak ko! Malaki ang utang na loob namin sayo!"

"Idol! Superman! Aya. Aya!" sabat ng batang tuwang-tuwa habang binibigyan ako ng positibong komento.

"Mabuti at ayos lang kayo kasama ng batang anghel na kasama n'yo, manang."

"Ikaw? Kamusta ka? Napuruhan kaba?"

"Ah. Hindi ho manang walang wala 'yun sakin." pag mamayabang kon pang sabi sakanya.

"Salamat ulit, Iho. Kami na't aalis na dahil siguradong nag aalala na ang tatay nito sa aming bahay."

"Sige po, sa susunod po doble ingat ho tayo." paalala ko pa sakanya.

Pagkaalis nito ay agad na akong umalis sa kinalalagyan at hinanap na si Minda at hindi ko alam kung san na s'yang lupalok nagpunta.

"Nathan!", agad kong nilingon ang boses na pinangalinan at kitang-kita ko ang mukha nitong nag aalala,"Okay lang ba? Ha? May masakit sayo? Nasaksak kaba?" paulit-ulit n'yang sinasabi.

Karindi.

"Okay lang ako. Malinis na malinis."

"Yon! 'Yan ang Nathan ko! Ayos!"

"Anong 'ko'?"

"Yeah! Nathan kita! Go Nathan! Go Nathan!" ang kulit n'ya talaga kung mag salita. Nakakatuwa.

Tipong nawawala ang pagod ko kapag ganyan ang ikinikilos nya.

"Ang weird mo. Psh."

"Di bale ng weird, maganda naman. Duhhh!", pag mamayabang pa nito.

"Tara na, punta na tayo sa pupuntahan natin."

"Tara!"

SJA (St. Jose Academy)

Andaming Estudyante.

I guess naman, estudyante lahat ng 'to.

Andami naman atang may gustong mag aral dito. Masyadong napaparami ang mga matatalino sa lungsod na 'to ha? Nakakatuwa lang!

"Tapos? San daw dapat tayo pupunta pagdating natin dito?"

"I don't think so. Siguro mas magandang sa office nalang tayo magpunta, what do you think?", sambit ko kay Minda na halatang inip na inip na sa kahahanap kung san ba dapat pupunta.

"Okay. Sabi mo eh! Tsk!"

SJU Office.

"Hello, Sir? May we come in?"

"Yes!", sigaw na pa-formal ng lalaking nasa loob.

"Thank you, Sir!"

"You may sit. So, ano ang nais nyo at nag punta kayo sa office ko?" masungit na sambit nito saamin habang nakatingin sa salamin.

"Ah yes Sir. Nais lang po sana namin malaman kung paano at sino ang mag tu-tour saamin dito sa paaralang 'to kasi naliligaw na po yata kami, kahahanap ng dapat ng dapat na magtu-tour saamin. Kaya rito kami lumapit."

"Oh, yeah? Wait. I'll call my student to be your tour guide here in SJU. So please wait for a minute."

"Okay, Sir!", sabay naming bigkas ni Minda.

---------
up next: chapter 4

Friends not ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon