********
'' Bakit ako sinusundan ako noon ni Jen ? '' Tanong ko kay Lucia ng magkita na kami .
'' Ewan ko ''
'' Anong ewan mo ? Diba kaibigan mo siya ? Anong dahilan ? '' Tanong ko uli .
'' '' Hindi mo na kailangang malaman pa ''
'' Lucia gusto kung malaman . Nakita ko si Jen kanina , pero hindi ko agad siya nakilala . Kaya nagmamakaawa ako , Lucia ''
Hindi siya sumagot . Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa . Bakit ayaw niyang magsalita ? Maya - maya kumawalang luha sa mga mata niya .
'' B-bakit ka umiiyak ? '' gulat na tanong ko .
'' S-sorry , hindi ko na kayang itago pa . Mahal ka pa niya . Nagsinungaling siya noon dahil ayaw niya lang na masaktan ka pag nawala siya ''
'' Bakit anong nangyari ? '' kinakabahang tanong ko .
'' May Leukemia siya at malala na . Sinabi niya sa akin na kunin ito ''
Sinungaling ! May Tupak Yata to . Kay bata pa ni Jen para magkaLeukemia . Lukuhan ba to ? Hindi yun totoo . Pilit kung pinipigilang yung mga luha ko na nagbabadyang tumulo .
'' Nagpapatawa ka ba ? ''
'' Bakit ko naman gagawin yun ? May nakakatawa ba sa sinabi ko kuyang ha??? Kung ayaw mong maniwala , pumunta ka sa pinakamalapit na Hospital dito . Room 113 ''
'' Ibalik mo yang singsing . Huwag mong Kunin ! ''
Halo - halong emosyon ang nararamdaman ko . Hindi ko alam ang nararamdaman ko , kung sakaling totoo na yun . Bakit siya nagsinungaling kung mahal niya ako ? Amazonang babae . Dumiretso agad ako sa pinakamalapit na hospital At nagtatakbo ako para makarating sa Room 113 . Nang nasa harap na ako , nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko o Hindi .
Pagbukas ko . Naiindi ako sa lakas ng kabag ng puso ko . Hindi naman yan ang babaeng mahal . Nakatalikod siya habang nakahiga . Nanginginig na rin ako sa kaba . Siguro napansin niya na may tao kaya napatingin siya sa direksyon ko .
'' Gusto ----- Anong ginagawa mo d-dito ? ''
Nang mapagtanto ko na siya nga . Di ko na mapigilan ang mga luha ko at tuluyan na silang kumawala . Bakit kumikirot ng ganito ang puso ko ?
'' Bakit mo tinago ? '' sigaw ko
'' A-ang alin ? ''
Hindi ko sinagot ang tanong niya . Sa ngayon gusto ko siyang yakapin . Namiss ko siya ng sobra . Gusto ko siyang lapitan at lapitan pero pinipigilan ako ng mga paa ko .
'' Ahhh Eto ba ? Eh alam mo na n-ngayon kaya umalis kana . Bumalik ka na kay Lucia ''
'' STupid Girl '' mahina kung sabi .
'' Sige na uma --- ''
'' After two years .. Two years na wala ka sa tabi ko . Two years of missing you tas ngayon nakita na kita , paaalisin mo lang ako ? ''
Hindi siya nagsalita . Tumahimik lang siya hanggang sa ako na din ang nagsalita .
'' Kelan to nagsimula ? '' tanong ko .
'' Nung bago kita nakilala meron na akong anemic . Lumala iyon at naging Leukemia nung nagpacheck up kami sa America two years ago ''
'' Yun ba yung time na naghiwalay tayo ? ''
Pagtatanong ko ulit pero hindi na naman siya sumagot .
'' Huwag kang tumahimik nalang dyan at sagutin mo ako !!!!!!!! ''
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
Short StoryMagkakilala sila sa Hindi inaasahang pangyayari . MAGTATAGPO MAIINLOVE MASASAKTAN PIPILITING MAKALIMOT </3 MAHAL KO SIYA MAHAL NIYA AKO MAHAL NAMIN ANG ISAT ISA PERO SAAN NGA BA HAHANTONG ANG PAGMAMAHALAN NILA ?????