Tama na po.

223 7 2
                                    

Tama na po.

(Super spg po sya. Nakakaiyak lang.)

January 8 2018 12:38am.

Nagising ako sa mahinang kaluskos mula sa aking higaan. Folding bed lang ang higaan ko kaya damang dama ko agad ang bawat paglikot ng paa nya sa ilalim ng higaan ko.

Parang hinahagod nya ang ibabang parte ng katawan ko na nagpahilakbot sa akin.

Mainit ang panahon pero nilalamig ako sa nerbyos. Pumikit ako at nanalangin na sana hindi ito totoo. Naninikip ang lalamunan ko hindi ko kayang lumunok natutuyuan ako ng laway. Nangingibaw ang takot ko pero kaylangan kong mad maging matapang.

Mahihpit ang hawak ko sa kumot ko na syang naging kasangga ko ang panglaban ko.

    Masaya ang kabataan ko noon sampung taon gulang pa lang ako normal na bata madaming kalaro. Madaming kaibigan nag aaral sa pampublikong paaralan. Simple lamg ang pangarap ko gusto kong maging nurse sa paglaki ko.

Si mama palaging wala sa bahay namin nagtatrabaho sya bilang mananahi alas singko ang pasok at halos alas nueve na ng gabi umuwi. Sa alaala ko tuwing patulog na ako kung umuwi sya.

Katulad ng ibang bata normal at masaya ang buhay ko. Meron akong isang kapatid si Andrew at ako si Rina mas bata sa akin ng dalawang taon si Andrew. Tipikal na magkapatid lang din. Magkabati, mag aaway sa panunood ng tv, mag aagawan ng laruan. Aminado akong mas paborito si Andrew ng mga magulang ko mismong nanggaling sa walang kwenta kong ama.

Miski si Lola at Tita ganun din ang kwento sa akin. Hindi sinasadyang mabuntis ng taty ko ang Mama ko kaya ng nalaman nyang buntis ito ay umuwi sa probinsya nya at doon nag tago. Kung hindi lang dahil sa lolo ko ay hindi babalik ang tatay ko sa piling ni Mama.

May kapansanan kasi ako, ang kwento sa akin ni lola sinubukan akong ipalaglag ni mama kaya nagkaroon ako ng cleff lip o bingot. Pero wala namang nabanggit si mama sa akin. Hindi nya din siguro gusto na  malaman ko. Hindi naman apektado sa pagsasalita ko malinaw at tuwid naman hindi kagaya ng ibang may kapansanan tulad ko.

Morena ang kulay ko habang ang kapatid ko ay mana sa kulay ng papa ko maputi.

Noong bata pa ako ay malaki na talaga nag inggitbko sa kapatid ko, nagsikap akong mag aaral na halos puro line of 8 at 9 ang grado ko noong elementarya ako. Nagbakasakali ako na baka kapag nakita nilang may laman ang utak ko ay magustihan nila ako. Nag aral din ako tumugtog ng instrumenyo gitara at piano ang kinahiligan ko hilig ko din kumanta pero sarili ko lang din ang nakakarinig.

Late 2000 kasagasagan ng punk rock band. Doon ko ibinuhos ang lahat ng atensyon ko. I was a die hard fan of Old Avril Lavigne yung tipong hindi pa sya diva kung manamit.

Musika, at ilan sa malapit kong kaibigan na hindi nagdalawang isip na kaibiganin ako. Sila ang naging kasiyahan ko.

Grade six ako ng maramdaman ko ang kakaibang kilos ni Papa.

Sa tuwing iinom sya ay sa akin mya ibabaling ang galit nya. Nariyan yung nagalit ako sa kapatid ko dahil ipinahiram nya sa kaibigan nya ang gitarang inipon ko sa sarili kong baon. Nagalit ako kasi hindi nya muna ipinaalam na ipapahiram nya sa kaibigan nya, paano kung masira iyon? May ipapalit ba sya.

Agad na ipinakuha ni Papa ang gitara at hinampas sa katawan ko. Sa pagkakatanda ko under weight ako at payat. Nabali sa katawan ko ang gitara ko na may sarili kong disenyo nag iwan pa ng pilat sa kaliwang braso ko ng kumayod ang string na putol.

Iyak ako ng iyak maging yung kapatid ko, sana hindi na lang ako nagalit para hindi nasira ang gitara ko.

Sa tuwing lasing sya ay palagi nyang ihahagis palabas ang mga damit ko palagi nya kong pinapalayas. Sa tuwing may lakad sila ay kunware pinapatawag ako ng Lola ko pero pagbalik sa bahay nakaalis na sila, sana nagsabi na lang kayo na hindi ako kasama para hindi ganun ang excitement ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moments On Wattpad (Compilation Of A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon