Days passed, patuntong na ang New Year. Isang araw na lang at bisperas. tuloy ang buhay. Balik sa dati ang routine niya. Bahay at work, well konting gala para malibang pero hindi siya nagpaparamdam sa grupo mula ng Christmas Party. Nasabihan na rin naman niya ang mga kaibigan at ayos lang naman daw. No hussle.Isa raw sa mabisang paraan para makalimot sa mabigat na pinagdaraanan ay abalahin ang sarili. Ganoon ang ginawa niya. Trabaho, uwi, kain at pasyal ng konti.
Pero may naging palaisipan sa kanya. ang araw-araw na miscall sa kanyang celfone. Nagkakataon naman na laging hindi niya nasasagot dahil nasa duty siya. after naman ng work ay nasa bag na lang niya ang aparato. I-check lang kung naiisipan. Hanggang maari ay ayaw na niyang gamitin lalo pa at hindi naman related sa work ang text at tawag na matatanggap niya.
Kung ang status ng puso naman niya ang tatanungin? Medyo sawi pa rin pero nasa recovery period na. Kalimutan ang dapat kalimutan. Lesson Learned!
Pero madalas, may gumugulo sa kanyang isipan at alaala na pilit niyang inaalis.
Hmmmm...
"'Ma, tingin mo ba, tanggapin ko na 'yong offer na trabaho sa London? Di ba sabi ni Papa, inirekomenda niya raw ako sa kaibigan niyang director ng hospital." Ungkat niya habang kasalukuyan silang nanonood ng noontime show. Kauuwi niya pa lang buhat sa duty. Intense ang ilang araw na shift niya dahil sa preparation sa pagpasok ng New Year's Eve bukas ay tiyak na daragsa na ang mga pasyente sa ward nila. Mga biktima ng paputok.
X-ray technician ang trabaho ng father niya sa isang kilalang hospital sa London. Isang taon na lang ay balak na nito mag resign at gusto na umuwi ng Pinas para makasama sila.
"Malaki ka na anak, ayoko namang habang buhay ay itali kita sa aking mga pakpak. Isa pa, mabilis lang naman ang three years. Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko naman ang sarili ko. Career move yan para sa'yo. Para sa future mo. Magpasya ka ng tama.""Pero, mag-isa ka na lang dito sa bahay 'Ma."
"Andyan lang naman ang mga kamag-anak natin. Saka di ba, malapit na rin naman umuwi ang Papa mo. may makakasama na rin naman ako."
Niyakap niya ang Ina.
BINABASA MO ANG
LOVE ON CHRISTMAS EVE -COMPLETED!
Kurzgeschichten"Saving Grace" iyon ang tingin ni Gelo, kay Chad, nang makilala niya ang binata ng Christmas Eve, sinagip siya nito sa pagiging broken mula sa isang kasisira pa lamang na relasyon. Unang kita pa lamang nila ay di na napigilan ang namumuong a...