Nakakatulong ba ang pag-iwas?

2.7K 17 3
                                    

Minsan naiisip ko kung bakit hindi natin mapigilang iwasan ang isang tao pag alam mong may problema kayo?

Ano kaya ang dahilan? Naaasar ka sa kaniya, nahihiya, o guilty ka lang? 

Minsan kasi sa asar mo sa kaniya, mas pipiliin mo na lang umiwas dahil baka kung ano na lang ang magawa mo sa oras na magkaharap kayo. Minsan din naman nahihiya kang lumapit kasi hindi mo alam kung papansinin ka ba nito o hindi. At minsan, hindi man natin aminin, guilty lang tayo dahil alam nating tayo ang pinagmulan ng problema.

Pero sa palagay ko hindi magandang patagalin ang pag-iwas... Mas madadagdagan ang panahon na meron kayong problema, panahon para mag-isip ng kung anu-anong bagay na maaaring magpalala lang sa sitwasyon kagaya ng mga tamang hinala. 

Sabagay, gaya ng lahat ng pagkakataon, may nakakabuti at hindi. Dito natin malalaman kung sino ang unang lalapit, sino ang unang susuko, at sino ang unang aamin at hihingi ng tawad. 

Ikaw, ano sa tingin mo? Maganda ba o hindi ang umiwas? 

Hmmmm.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakakatulong ba ang pag-iwas?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon