Jigger's POV
SA huli, ay wala rin akong naging choice.. but to accept Levis's suggestion, iyon ay ang kuning modelo si Cheska. Maybe because I'm too desperate now. Bukas na kasi ang alis namin. At kahit na hindi pa naman agad iyon sisimulan, dahil may mauuna pang prenuptial photo shoot, ay alam kong mahihirapan pa rin kaming maka-adjust. Alangan naman kasing manghablot kami ng kahit na sinong babae roon sa tagaytay at gawing modelo.
Tsk.
Halos buong maghapon akong nag-isip habang nasa loob ng aking kwarto, bago ako lumabas at abutan si Levi na kakwentuahan na pala sa may living room si Cheska.
Medyo naasar pa ako kasi parang nag-e-enjoy pa ang dalawa nang ako'y sumulpot, parang nagmukha pa akong istorbo.
Pero pinigilan ko na lang ang sarili kong magsungit. Baka kasi sumpungin na naman ako at kung ano pang masabi ko sa kanila.
Nang magpaalam naman si Cheska na papasok na sa kan'yang kwarto ay agad kong sinabi kay Levi ang aking naging desisyon. Tinawanan pa ako ng loko at nagyabang pa na bibigay din daw pala ako, ang dami ko pang arte.
Pero may isa akong naging kondisyon, habang ginaganap ang photo shoots, ay hindi pwedeng isalang sa mga daring poses si Cheska, na ginagawa nung ibang mga modelo namin. Iniisip ko pa rin kasi talaga ang magiging reaksyon ng aking mga magulang. Hindi kasi posibleng makarating sa kanila ang pinag-ga-gagawa ko sa kanilang ampon, lalo pa't isang sikat na kompanya ng men's magazine ang aming kliyente. Naisip ko rin na hindi ko pala ito pwede talagang i-atras. Lalo pa't nakasalalay sa project na ito ang mas magagandang pang opportunity para kunin pa ng iba pang mas sikat na kompanya ang aming serbisyo.
Nagkasundo naman kami ni Levi at nung baklang kliyente na head manager ng mismong company. Tinawagan ko ito right after ng decision. Tuwang-tuwa pa ito dahil gusto raw talaga nilang maging modelo ng kanilang magazine si Cheska.
Kaso.. May isa nga lamang problema.
Hindi ko pa rin nasasabi kay Cheska ang naging plano. Nakauwi na't lahat-lahat si Levi, Ay hindi ko pa rin nasasabi. Nag-prisenta pa nga kanina ang tukmol na s'ya na ang magsasabi sa aking step sister, kaso hindi ako pumayag.. I don't know why, pero naaasar kasi talaga ako kapag nakikitang nagkaka-usap sila.. Hanggang sa makakain ng dinner ay hindi ko na tuluyang nabanggit sa aking step sister ang desisyon.
At ngayon, mag-a-ala una na nang madaling araw, gising na gising pa rin ako sa sobrang pag-iisip kung paano ko sasabihin kay Cheska. Biglaan kasi at naisip ko na paniguradong hindi ito papayag. Lalo pa't isang uri ng trabaho na alam ko ring hindi s'ya sanay, ang aalukin ko sa kan'ya. Siguradong tatarayan ako nito. Tsk.
Kanina pa akong hindi mapakali habang pinapanood ko itong mahimbing na natutulog, gamit na naman ang hidden camera na naka kabit sa kan'yang kwarto. Halos isang oras na akong nakatunganga roon. Naiisip ko na rin tuloy na pasukin na lang ito at saka deretsong sabihin ang lahat.
No'n ko lang din na-realized, na hindi pa pala ako nakakapasok sa kwarto ng aking step sister, maski nung mga bata pa kami. At ngayon ay nagkakas'ya lamang ako sa panonood dito mula sa monitor ng aking loptop.
Napakagat ako sa aking daliri at isinandal ang aking likod sa headborad ng kama, hindi ko inaalis ang tingin sa monitor ng aking loptop. Bakit?..
Bakit nga naman, kahit kailan ay hindi ko nabigyan ang aking sarili ng pagkakataong mapuntahan ito sa kan'yang kwarto?
Bahagya itong gumalaw sa pagkaka-higa at umikot sa kabilang parte ng kan'yang kama, mukhang naalimpungatan. Napadiin tuloy ang aking pagkaka-kagat sa aking daliri. Nakita ko kasing bahagyang umangat ang kan'yang kumot, nasisilip ko na tuloy ang kan'yang mapuputi at makikinis na hita. Bigla ay parang nakaramdam ako nang pagka-uhaw sa aking nasasaksihan ngayon.
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...