The biggest revelation

8 0 0
                                    


Masaya akong naninirahan dito sa San Pablo
Buhay prinsesa sabi nga nila, kung hindi pagpasok sa school ang iniintindi ko
ay puro kain,tulog, shoping or gala lang ang ginagawa ko. Di rin ako inuutusan dito sa bahay dahil may mga katulong kami dito at di rin ako nahihirapan pumunta kung saan saan dahil may sarili naman kaming kotse. Buhay prinsesa lang ako dito pero nagbago lahat nung

"Trasian, babalik na tayo sa bicol." Malungkot na sabi sakin ni mommy pag-uwi ko mula sa school.

"Huh? Bakit mommy? Ngayon na as in now na?" Gulat kong tanong.

"Hindi naman ngayon, next week pa naman."

"Hala mommy bakit next week pa? Exam na namin next week, diba pwedeng ngayong week nalang? Tsaka mommy kakagaling lang natin last month nung may!" Natataranta kong sabi.

"Oh hon, nasabi mo na ba?" Tanong ni daddy

"Huh alin yung pagbisita ulit natin kayla lola?" Naguguluhan kong  tanong

"So, hindi mo pa nasasabi?" At nagtinginan sila. Okay whats happening?
Tinabihan ako nila mommy't daddy pagkaupo ko sa sofa at hinawakan nila ang kamay ko.

"Ang oa ng reaction niyo ba't kayo ganyan." What  don't tell me?! "Sinong namatay?! OMG don't tell me may namatay?! No I can't nauubos na lahi natin di ko na kinakaya like i-I think I have a heart attack!" Napahawak nalang ako sa damit ko sa sobrang stress I can't.

"Anak ano ba umayos ka nga! Iba sasabihin namin makinig ka sa mommy mo!" May authoridad na utos ni daddy.

"Anak alam mo naman yung issue natin sa tita Jen mo diba, alam mo ding hindi talaga tayo ang tunay na may ari ng  La familia pero alam mo ding satin yon hinabilin ng Lolo mo diba? Binabawi na to satin ni Jen, pinakiusapan namin siyang tirhan tayo ng kahit anong parte sa hacienda pero ayaw niya pag hindi daw tayo umalis dito ay papakulong niya kami ng daddy mo at aakusahan na nikaw natin ang hacienda. Wala kaming magawa nang daddy mo, wala" naiyak na sabi ni mommy. Naiyak na rin kami ni daddy.

"Mommy hindi pwede, alam naman nilang satin yun hinabilin ni Lolo! Hindi nila to pwedeng bastang bawiin lang!"

"Hindi lang yan ang problema anak." Tumungo si daddy at tsaka nag salita
"Hindi na satin ang bahay nato, pati ito kinuha nila satin anak,pati eto!" humahagulgol na si daddy. Ngayon ko lang siya nakitang ganto.

"Pero daddy hindi pwede! Kayo ni mommy ang naghirap para mapatayo to, kayo din ni mommy ang nag pakahirap para mapalago at sumikat tong La familia. Daddy hindi pwedeng basta nalang natin itong ibigay sa kanila!"   Nakasigaw na ko sa galit, hindi maari.

"A-Anak kaya kailangan natin bumalik sa Bicol, dun tayo makikitira sa Lola mo, kung hindi pa tayo umalis dito papakulong niya tayo anak at baka pati ang mga kotse at ang mga gamit natin ay kunin nila satin, anak wala nang matitira satin kailangan na nating bilisan"

"Hindi mommy, may paraan pa!" Hagulgol kong tugon.

"Anak wala na tayong magagawa, sa kanya ang titulo at isang lawyer ang tita mo, marami siyang pwedeng iakusa satin!"

"Napakasama niya! Napakasama! Walang utang na loob!" Wala nang ibang lumabas sa bibig ko kung hindi ang hikbi na walang tigil




Kinausap ng magulang ko yung school tungkol sa paglipat ko, tinanong din nila kung pwede akong mauna mag exam pumayag naman sila, may pinahiram silang book para dun sa mga lessons na di ko maabutan pero kasama sa exam. Kinabukasan bumalik ako para itake yung exam na yon in one. Expected na nila na kaya ko yon, di sa pagyayabang pero I'm in the Science section kasi and nasa high honors ako.

ATLAST.Where stories live. Discover now