"Zooey!" pangatlong beses nang tawagin ko ang pangalan nya ngunit hindi nya ako tinapunan ng kahit isang lingon patuloy lang sya sa paglalakad palayo sa akin.
"Hajima!" sigaw nya pabalik sa akin. (Hajima (Korean Hajima = "Don't", "Stop it")
"Ano bang problema Zooey? Pwede bang tumigil ka at kausapin mo ako, for once, can you stop and listen to me!" sa pagkakataong ito tumatakbo na kami, magmukha man kaming tanga palabas ng university na naghahabulan, wala akong pakialam ang mahalaga mahabol ko sya. Ang mahalaga itigil na nya ang pagtulak sakin palayo, na itigil na nya ang sinasabi nyang "hajima" na hindi ko naman alam ang ibig sabihin
Mas nilakihan ko ang mga yabag ko at sa wakas naabutan ko sya, agad ko syang hinila upang harapin ako. I was shocked when I saw her crying.
No way, Zooey Andromeda never cry. Yan ang unang bagay na sinabi nila sa akin. Hindi kailanman nakitang umiyak ang isang Andromeda.
"Hajima Stan, hajima," sumusuko nyang saad sakin tsaka pilit na inaalis ang pagkahawak ko sa mga braso nya.
"No Zoe, alam mong di ko gets yang 'hajima' mo!" frustrated kong sagot habang pilit na hinihigpitan ang paghawak ko sa braso nya. Patuloy parin ang paglaban nya sa akin.
Maayos naman kaming nag-uusap kanina pero bigla na lang syang tumakbo palabas ng gym at palayo sakin ng sabihin ko yun. Ano bang mali sa sinabi ko sa kanya? Ilang beses ko na bang pinaramdam sa kanya na mahalaga sya sakin? Ilang beses ko na bang pinaalala sa kanya na importante sya sakin? Bakit lagi nya akong tinutulak palayo?
"Stan, please," itinigil na nya ang paglaban sakin at nanatili kaming nakatayo sa gitna ng walang taong field ng university. Gusto kong magsalita pero ayaw lumabas ng mga salita mula sa bibig ko. Cat got my tongue.
"Nado," mahina nyang sabi. Halos pabulong na nga ito pero hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin, here she goes again with words that turn me nuts. (Korean Nado = "Me too".)
"Yan ang sagot ko sa sinabi mo kanina Stan. Nado," inangat nya ang tingin nya at nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ako makakibo dahil sa mga mata nyang nangungusap, ito ang unang beses na nakita ko ang ganyang awra ng mata nya. Ni minsan hindi nya ako tinignan ng ganito. Ngayong gabi lang.
"Can you please speak my language Zoe," sagot ko sa kanya, "Alam mong hindi ko alam ang lengwaheng yan," dagdag ko pa. Napabuntong hininga sya sa sagot ko sa kanya, that small gesture of hers almost made me gasp. Bakit ba kahit anong gawin nya nakukuha nya paring maging maganda. Para tuloy akong nakikiliti sa
"Slow witted," alam kong madalas nyang sinasabi to sakin lalo na kapag may mga bagay syang hindi ko maintindihan pero ngayon, pakiramdam ko nag-iba ang ibig sabihin nya. Pero nakakainis lang dahil di ko na naman maintindihan ang ibig sabihin nya. "Nado"? Ano na naman yun ngayon?
----
So after almost one and a half year, ngayon nalang ulit ako nakapagsulat. Tinatry ko yung istilo na ito para maiba naman. As you can see, binase ko sa BTS ang characters hehe, alam na this. So if anyone reads this, sana magustuhan nyo.
This part is not reviewed.
BINABASA MO ANG
Lighthouse
FanfictionA lighthouse is a tower containing a powerful flashing lamp that is built on the coast or on a small island. Lighthouses are used to guide ships or to warn them of danger. That is what google told me when I ask what a lighthouse is. But Cupid on t...