Chapter 75
The Last Chapter
Hope's POV
[Now Playing: Malaya by Moira dela Torre]
Bumukas ang pinto.
Unang bumungad sa akin ang altar, at ang mukha ni Jesus.
Lord, thank you for everything. Thank you po for making me this happy. I owe everything to you, Lord.
Nakita ko din lahat ng mga close na tao sa amin. Small wedding lang. Family ko, family niya, konting members ng outdoor club, at siyempre ang barkada.
Nagsimula na ako maglakad.
Noong malapit na ako sa altar, biglang tumalikod sa akin si En—
Si Mico.
Wait, what?!
Bakit siya ang nandito? Anong ginagawa niya dito? Tumingin ako sa mga tao sa paligid ko, lahat sila gulat.
"Hope. I'm sorry."
Ayan na naman. Ayan na naman yang 'sorry' na yan.
"Nasaan—Nasaan si Enzo, Mico?"
Hindi siya nakasagot. Nakita ko na lang na tumutulo na yung luha niya. Ayokong umiyak. Kung gusto man nila akong sorpresahin hindi magandang paraan ito.
"Here." Tapos inabot niya sa akin ang isang notebook.
Ano 'to?
Pagtingin ko.
My Daily Planner: Enzo Miguel Gutierrez
Noong makita ko yun, alam ko na. Nanghina ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Medyo nandilim ang paligid ko. Namutla ako.
Hindi ko alam, pero hirap na hirap ako huminga... teka, humihinga pa ba ako ngayon?
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomanceNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...