"MUKHANG maganda ang kinalabasan ng transaction natin kagabi kay Mr. Wutxie Eros. Sa tingin ko madadala na natin ang matanda sa susunod nating plano."
Tumaas ang sulok ng labi niya. Nilingon niya si Ellifard, hawak nito ang isang kopita sa kamay.
"Yeah, just think positive. At pagkatapos nating makuha ang buong tiwala niya?" Tinaas niya ang kopita dito.
"....itatapon na lang natin siya sa kung saan." Dugtong niya saka nilagok ang hawak. Napailing naman ito.
"You're still cold-hearted badass Eros. Talagang marumi kang maglaro."
Nagkibit-balikat lang siya.
"This is a business Ellifard." tipid na sagot niya dito saka niya nilapag ang hawak sa isang centre table.
"May plano ka pa bang bumalik sa France? hindi ba may iniwan kang business don?"
"Hindi ko pa alam, nandon naman si Andres. Mas gusto ko kasing tutukan ang binigay sakin na pagkakataon ni Grey." Nakangising sabi niya. Kahit pa sa murang edad ay may napatunayan pa siya, hindi pa rin siya satisfy kung hindi niya mahahawakan ang organization ni Grey.
"You're a greedy man!" Natatawang sabi nito. Bigla naman niyang naalala ang babaeng 'yon kanina.
"And that woman? she's dead.... i will make her life miserable I swear."
"Hmm? Sino naman 'yan?" Tanong nito habang naglalakad papunta sa piano niya na nasa tabi katabi ng malaking portrait ng Lola niya.
"Hestia Isolde Dimaculda..... the only one who messed up with me. Huh! siya ang may gawa nito sa mukha ko." Sabi niya. Nilingon naman siya nito saka tinignan ang mukha niya. Natawa ito saka sumandal sa piano.
"Really? kawawa ka naman." Natatawang pang-aasar nito saka sinuksuk sa bulsa ang kamay.
"....Hestia Isolde Dimaculda." Uli nito saka ito napalabi.
"Bakit? kilala mo?" Tanong niya dito. Umiling ito.
"Nope, pang-Goddess kasi ang pangalan niya. Hestia, the virgin Goddess of the Hearth. And Isolde Irish from Athurian Legend. Hindi rin fanatic ng mga Goddess ang taong nagpangalan sakanya ha?" Natatawang sabi nito.
".....just like your parents. Eros the Goddess of Love and Thanatos the God of the death." He said while laughing. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.
"Whatever.... umalis kana." Pagtataboy niya dito. Napalabi naman ito saka ito umayos ng tayo.
"Mamaya nga pala darating sa underground si Grey at Sebastian mukhang may seryoso silang sasabihin satin. Kailangan nila tayo mamaya."
Tumango lang siya. Sumauludo ito sakanya bago umalis. Tumalikod na siya at tinungo ang hagdan. Nang marating na niya ang kwarto ay pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama. Saktong nakapikit na siya nang tumunog naman ang cellphone niya. Inis na kinuha niya 'yon.
"What the fuck you want?!" Naiinis na sabi niya.
"Ah.... senyor Eros, humihingi pa po ng dalawang buwan 'yong mag-ina eh. Wala daw silang malilipatan. 'Yun po 'yung lupa na pinabilin ni Madam limang taon na ang nakaraan." Sabi ng katiwala niya. Lalong lumalim ang kunot ng noo niya.
"Nagpadala na ako ng sulat sakanila ha? Sabihin mo sakanila na darating ako diyan ngayon din." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang helmet sa ilalim ng kama.
BINABASA MO ANG
Dark Society #2 - Eros Thanatos Moreau (Completed)
Narrativa generaleTeaser Eros Thanatos Moreau also known as badass. Walang pakialam sa lahat, kontrolado ang lahat ng nasa paligid niya, at barumbado. Sa edad na bente-uno anyos ay may nasasabi na siya sa buhay. Lalo na nang siya ang sumunod na namuno ng organisasyon...