Regalo

142 1 3
  • Dedicated kay Lein Park
                                    

A/N: Mukhang nagulat ata yung HighSchool classmate ko na nagsusulat pala daw ako sa Wattpad hehe. Dahil dyan, dinededicate ko to sayo, Lein Park. :) Sa susunod na story ko, medyo gagandahan ko na. Salamat sa nagtyatyaga pang basahin to :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos ang oras namin sa JailBooth na ganun ganun nalang. Hindi ko man lang nahawakan kamay nya, or hinawakan man lang kamay ko. Chos! Echosera ko talaga. MU lang naman kami, hindi naman kame. Hindi naman sya nagsasabi sakin na kung pwede bang manligaw. -_- 

Soo, sabay na kami umakyat papunta sa mga room namin. Naiinis lang ako kasi wala syang imik. :(

Nang malapit na kami sa room namin, naghiyawan na yung mga kaklase namin. -_-

"Ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!" ang ingay lang nila sa corridor. Pero ok lang kase wala namang klase ang buong school.

"Kamusta pre?" tanong nung barkada ni Ken sa kanya

Pero si Ken, ngiti lang ang sinagot sa kanya.

Bakit sya ganun? Nakakainis talaga.

"Ano bhez? Kamusta?" tanong naman sakin ni Bella.

"Ewan ko sa inyo." Irita kong sabi, sabay pasok ng room. 

Hindi naman kasi ako naiinis sa sitwasyon, sa kinulong kami, naiinis lang ako kasi lagi nalang Ngiti si Ken, palagi nalang ganun. Napaka torpe talaga, nakakainis!

Hinayaan nalang ako nung mga kaklase ko, hindi nalang ako pinansin kasi nga moody ako minsan, alam naman nila yun.

Bumaba nalang ulit ako para bumisita sa mga booth at maghanap ng regalo para kay Ken. Hinigit ko nalang yung best friend ko.

"Teka! saan tayo pupunta?" tanong sakin ni Bella

"Sa mga booth. May titignan lang ako...."  sagot ko sa kanya

"Bhez, galit ka pa ba? Galit ka ba samin? sa ginawa namin sayo? sorry na oh...." sabi ni Bella

"kalimutan mo nalang yun, naiirita lang ako kay Ken. Lagi nalang kasi si ngiti. Pag tatanungin, ngiti. Alam mo yun?!" Sagot ko kay Bella

"Teka, ano nga palang titignan mo sa booth?"

"Hahanap ako ng gift kay Ken. Malapit na birthday nya eh."

"Ano?!" Pagalit na sabi ni Bella

"Ikaw pa ang magbibigay ng gift dun?! Bhez naman! Babae ka!! Dapat nga sya ang magbibigay sayo eh! Parang ang nangyayari, ikaw ang nanliligaw sa kanya! Kung gusto ka rin nya, dapat manligawa na sya. Eh hanggang ngayon, hindi parin nagpaparamdam na manliligaw eh." Dagdag ni best friend ko -__-

Pero hindi ko nalang pinansin yung sinabi sakin ni bhez, basta ang alam ko, gusto ko syang bigyan ng gift sa birthday nya.

May nahanap naman ako, isang card. Wala na kasing iba eh kaya ayun nalang. Basta galing sakin ok na yun.

SchoolLove SchoolLife "HighSchool" (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon