-All rights reserved. The names of the characters, places, events and incidents are purely coincidental. This is made through the imagination of the author. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, without prior permission from the author. PLAGIARISM is a crime.
© 2014 | Ssibal_
➵➵➵➵➵➵➵➵
SeatMATE.
TextMATE.
ClassMATE.
TropaMATE.
GroupMATE.
LockerMATE.
SchoolMATE.
Lagi na lang isang malaking MATE ang tingin nya sakin. Nakakainis na sya. Ni hindi man lang sya marunong makiramdam. Ni hindi man lang nya ma-appreciate ang effort ko. Para sa kanya, ako ang MATE nya.
"Niks..." I came back to my sense when I heard his voice.
"Yes?" Ngiting ngiti 'kong tanong.
"May s-sabihin ako sayo..." Nauutal at nahihiya nyang sabi.
"Ano yun?!" Masigla pa sa masigla ko namang tanong.
"Uhm...di ka na nagtetext sakin, nagpalit ka ba ng number?!"
Wait...Processing...Sinking!
Tinitigan ko sya ng mabuti hanggang sa unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ko. "Hindi. Wala lang akong load." At umiwas ng tingin.
Akala ko pa naman importante pa sa importante iyong sasabihin nya. Yun naman pala, tinatanong nya lang kung nagtetext ako sa kanya. Tsk.
"E di magpaload ka, ang yaman yaman mo eh." -Cloud
"Ayoko nga. Mag-isa ka."
Nakita 'kong kumuha sya ng ballpen sa bulsa nya tapos hinatak ang librong kanina ko pa pinagpapatungan.
"Niks, sulatan ko lang 'to sa likod ha." Sabi nya. Ayokong sinusulatan ang mga libro ko, pero pag sa kanya, walang ayaw ayaw.
"O ayan, pag nagbalak ka na i-text ako at nagka-time na magpaload, dito na sa number na 'to. Nagpalit na kasi ako." Sabay balik sa akin ng libro at saka pumunta sa tropa nya.
"Uy! Binigyan sya ng number ni Cloud. Yieeee!" Pang-aasar ng classmate ko. Nye. Late reaction pa.
Eh kasi naman. Walang salitang NO CRUSH pag si Cloud ang katabi mo. Gwapo. Gentleman. Mayaman. Matalino. I bet kung may abs 'to. Nye! Joke lang. HAHAHA!
It sounds pervert -__-'
"Che! Manahimik ka nga dyan. Inggit ka lang." Mahinang sabi ko kay Patty sabay ngiti kay Cloud na nakatingin sakin. Char! Ang feeler ko.
Pagkatapos ng klase, nagyaya ang mga kaibigan 'kong mag-seven eleven. Pampalipas oras lang since maaga pa naman para umuwi. Wala rin namang assignment kaya okay lang.
"Bacon sandwich na lang sakin pati peppero." Sabi ni Lyra.
"Eto na lang muna sakin, wala na akong budget eh." Saad ko at saka tumayo para magbayad.
"Naku, walang budget, if I know nagtitira yan para pampaload. Mission accomplished ang peg eh." Sabi ni Kaila pagkatapos 'kong magbayad.
"Anong mission accomplished kayo dyan?!"
"Diba binigay ni Cloud yung number nya sayo. Swerte mo 'te, ikaw palang meron nyan." Singit naman nitong si Hannah at pinalo pa ang balikat ko. Seryoso? Ako palang talaga meron ng number nya. Gusto 'kong magpaparty at imbitahan ang buong estudyante sa San Roque pero naalala ko bigla, mate-textmate zone lang ako gaya ng dati.
BINABASA MO ANG
MATE-Zone (One Shot!)
RomanceHanggang MATE-Zone na lang ba talaga? O mas hihigit pa?