Ju kyu.

197 6 0
                                    

Sana po i-vote niyo story na 'to :) Thank you! 'Di ko pakakahabaan 'to para maituloy ko na ibang stories. Hehe.

...

Walang nakakaalam kung nasaan si Mizuki. Nagpunta siya sa lugar kung saan tahimik at walang ibang tao. Dito siya nagpupunta kapag malungkot siya. Dito rin siya nagpunta noong araw na naghiwalay sila ni Hoshi. Siya lang ang tao sa lugar na ito. Mag-isa niyang hinahanap ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat ng ito at kung bakit hindi niya kaagad nakilala si Patrick bilang Hoshi.

"Bakit ganun? Pwede namang hindi niya ilihim sa akin 'yun eh. Bakit? Bakit ba niya ako ginaganito? Ano bang nagawa ko sa kanya?" Bulong niya habang umiiyak.

Hindi niya alam kung bakit talaga siya nasasaktan. Basta sa ngayon, ang gusto lang niya ay makapag-isa. Nang tiningnan niya ang phone niya ay saktong tumatawag pala si Hans sa kanya. Sinagot niya iyon at tumigil sa pag-iyak.

"Nasaan ka ba? Pinag-aalala mo naman ako eh. Ano? Susunduin kita."

"Gusto ko munang mapag-isa. Please? Hans. Gusto ko munang solohin kung anuman 'tong nararamdaman ko ngayon. Ayaw kong madamay ka pa sa problema ko."

"Hindi mo ako naiintindihan. Gusto kong pagaanin ang loob mo. Sige na."

Pinatay niya ang kanyang cellphone at hindi na nakipag-usap sa kanino man. Mabuti na lang at tahimik ang lugar na 'yun kaya mas mabilis na gumaan ang kalooban niya. Ilang sandali lang at bumuhos ang malakas na ulan at wala siyang dalang payong. Gabi na, at tanging ilaw na lang sa mga poste ang kanyang nagiging ilaw. Alas-nuwebe ng gabi ng napagpasyahan niyang umuwi na sa kanila. Habang naglalakad siya ay may kotseng tumigil sa harapan niya.

"Get in." Si Hoshi ang nagddrive ng kotseng tumigil sa harapan niya. "Get in!" Nang dahil sa takot, sumakay na rin siya.

Nakatingin lang siya sa labas ng kotse at tahimik lamang silang dalawa kaya napagpasyahan niyang basagin na ang katamikan at sinabing, "Paano mo nalaman kung nasaan ako?"

"Hindi ko nalaman. Nilibot ko lang talaga ang lahat ng tahimik na lugar na maaari mong puntahan." Hinarap niya si Mizuki at nakita niyang basa ito. "May jacket ako sa likod. Get it. Basang-basa ka."

"Bakit mo pa ba ako hinanap? O, hinanap mo ba talaga ako?" Mahinahon niyang sabi. "Sana hindi mo na lang ako nakita."

"Tss. We have to talk. Pero hindi ka pa pwedeng umuwi sa ngayon. Pumunta muna tayo sa bukas na department store. Magpalit ka ng damit. Ayaw kong magkasakit ka."

Hindi na umangal si Mizuki dahil unti-unti na rin siyang nanghihina dahil sa sakit ng ulo dulot na rin ng pag-ulan. Tahimik lang siya hanggang sa nakarating sila ni Hoshi sa isang botique na nagtitinda ng mga damit at gamit. Si Hoshi na lang ang bumaba at nagpaiwan sa kotse si Mizuki.

"Ito na ang damit mo. Doon ka na magpalit sa loob ng botique. Sige na." Inalalayan ni Hoshi si Mizuki upang makalabas ng kotse.

Nang makapagbihis siya, bumalik na sila sa kotse at pumunta sa SORROW RI TEA kung saan sila nagpunta noon. Umorder sila ng mainit na inumin.

"Pagkatapos natin dito, saan mo gustong kumain?" Tanong ni Hoshi sa tulalang si Mizuki.

"Hindi na kailangan. Iuwi mo na lang ako, pwede ba?" Pakiusap ni Mizuki. Hinawakan ni Hoshi ang kamay niya kaya napatingin siya sa kanya.

"Sige. Iuuwi na kita. Basta inumin mo lang 'yang inorder kong hot choco. Alam kong nilalamig ka."

Sinunod naman ni Mizuki ang utos ni Hoshi sa kanya. Galit man siya sa kanya, hindi niya magawang sigawan si Hoshi o awayin sa harap ng maraming tao. Para silang nasa isang teleserye. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanilang dalawa. Si Hoshi ay nakatingin kay Mizuki, at si Mizuki naman ay nakatingin sa lamesa.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon