*Once upon a loom band*

647 22 9
                                    

Chapter one

All I knew this morning when I woke up

Is I know something now,

Know something now I didn't before,

And all I've seen about eight years ago,

Is dark brown eyes and freckles and anger in the back of your mind making me feel right,

I just want to know you, better know you, better know you, better now!

Taylor Swift / Everything Has Changed

===

SSP

"Bakla, bilisan mo dyan." Pagmamadali ko sa kaibigan ko.

"Teka lang, inaantok pa ako eh." Pagrereklamo niya habang nagkakamot ng mata sabay hikab pa. Mukhang walker sa Walking Dead. Mukhang Zombie sa Zombie Tsunami. Redundancy! Ang hina ko talaga sa English.

"Naman eh. Mauubos na ang thirty minutes ko." Then, I pout. Pangongonsensya ko sa kanya. Sana tumalab. Lord, kahit ngayon lang po please.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na gawin mo 'tong katangahan na ito?" Medyo nahimasmasan na ata ang bakla. Nagsusungit na e.

"Eh. Alam mo namang dito lang ako sasaya." Then, I gave my prettiest puppy eyes. Sabi nila, wala daw nakakaresist ng charms ko. Sa ganda kong ito.

"Ewan ko sayo. Ang OA mo talaga. Kung hindi lang talaga kita best friend. Kung hindi lang kita kilala. Matagal na kitang pinasuri sa Psychiatrist."

Sad to say, wala pa rin talagang talab.

"Sino kaya ang mas OA sa ating dalawa?" Nilagay ko ang kamay ko sa ulo ko na parang nag-iisip. Hahaha. "Kung sabagay, napatunayan kong magkaibigan talaga tayo." Tinapik tapik ko siya sa balikat. Malakas na malakas. Just kidding. Oy English yun ha. Boom Panes!

"TSS."

"Libre naman kita eh. Every lunch this whole year. Basta samahan mo lang ako sa mga pangarap ko."

"TSS. Oo na. Pangarap talaga. Juice colored. Ang sarap mong isama sa Napolist."

"Tseeeee. Palibhasa kasi." Pinandilatan niya ako ng mga mata. Dinilaan ko lang siya. Hahaha. Ambilis niya talagang mabadtrip kapag love ang usapan.

Siya si Kate Pineda. Babae siya at hindi bakla. Endearment lang namin yun, kapag cool siya. Eh madalas hindi, kaya sa huli, ako at ako lang ang gumagamit. Best friend ko siya simula pa lang noong elementary days. Maganda, maputi, matangkad, actually pwede maging supermodel kaso medyo boyish kaya wala na tayo ng magagawa. Siya ang nagsisilbing tagabatok sa mga katangahan ko, tagapigil ng kaligayahan ko, tagasuri ng lahat ng gagawin ko. Para siyang Buttler, parang mayordoma, parang si Big Brother. Basta. Masungit, strikto, suplada, perfectionist. Gayunpaman, mahal na mahal ko siya. Siya rin kasi ang nagbabalik ng saya tuwing nalulungkot ako, nagsisilbing tagapayo ko, siya ang pamilya ko. Pareho kasi kaming may family problems.

Ako as unica ija ng San Pedro Incorporation, a shipping company in USA at sikat na sikat kahit sa ibang bansa, at maging sa Pilipinas. Alam niyo na ang bagsak ko, hindi iniintindi ng mga magulang dahil lagi sila sa ibang bansa. Mas madalas pa ang Lunar eclipse, kesa sa pagkikita namin."I'm immune to that", sabi nga sa commercial. Lahat naman ng luho, binibigay nila sa akin. Pero, alam na alam ng mga kagaya ko na, hindi iyon ang kailangan namin kung hindi ay panahon. Si Kate naman, pinagpalit sila ng daddy niya sa isang bading. Iniwan sila ng mommy niya noong Grade Seven pa lamang siya kasama ang triplets niyang kapatid: sina First, Second and Third, a boy group. Joke. Ang problema housewife ang mommy niya kaya hikahos sila sa buhay. Bilang kaibigan, pinahiram ko siya ng pera pampaaral. Ayaw niyang libre e, di ba nga kakaiba ang ugali niya. Masyadong mapride, kesyo babayaran niya daw kapag nagkatrabaho na siya. Ang hiniling ko lang sa kanya ay samahan niya ko sa mansyon.

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon