Log In 3

232 24 1
                                    

CJ's POV:

Pasukan na, unang klase ng taong 20XX.

Pero panigurado akong walang gagawin at isang surprise quiz ang gagawin sa mga subjects. Well expected naman, just for the student to remember what they learned.

Pero as usual, para naman hindi magmukang nabugok ang utak sa bakasyon ay ready ako.

Nagre-read  ako ng mga notes ko.

Nakakatamad mag-advance study o home study mas lalo kung mag-isa lang, haha.

Naglalakad ako ng hallway ng madaanan ko yung kumpulan ng mga istudyante sa bulletin board.

Dahil narin sa height ko ay agad kong nakita ang tinitignan nila. Ang nakapaskil na papel kung saan ang block section ng bawat istudyante.

Pero ang pumukaw ng atensyon ko ay ang dalawang istudyante na naguusap tungkol sa laro na darating, ang VRMMORPG game.

Aminin ko nakikinig ako sa usapan nila ng palihim.

"Baby ko alam mo bang malapit na ang release nung game?" sabi nung babae sa kasama nyang lalake.

Napatingin naman ako bahagya sa babaeng nagsalita

Nevermind.

"Kaya nga baby ko eh, may nasabi ba sayo si tito kung kailan?" tugon naman nito

"Oo." sagot ng babae.

Agad akong napatingin sa babae dahil sa gulat na sagot nya. Pero agad kong binawi dahil pinagtinginan nila ko sa biglang sipat ko sakanila.

"Baby ko tinignan ako ni Cj, di kaya nagpapapansin sya sakin?" sabi ng babae na may paglapat ng palad nya sa pisngi.

"No way Baby.Ko.Disisyete.Ikaw.Lang.Sapat.Na, akin ka lang." tugon ng lalake.

Magtigil na kayo! Nakakarindi na kajejehan nyo.

Gusto ko lang naman malaman ang nalalaman nila tungkol sa laro.

"Balik tayo baby ko, ano daw balita sabi ni tito?" dagdag ng lalake.

"Diba ang release ng game ay sabay sa launch ng console baby ko?" sabi ng babae.

"Oo nga." tugon ng lalake.

"This week daw ang nasagap ng papa ko na launch ng vr console." sabi ng babae.

"Nice, naeexcite na ko laruin yon. Laruin natin yon baby ko ah?" sabi ng bf neto.

"Onaman baby ko." tugon ng babae at patuloy pa silang nag-lampungan sa hallway.

Ako? Tumuloy na sa paglalakad para makapunta sa room ko dahil nakita ko naman na ang section ko.

Habang naglalakad ay naiisip ko yung nalaman ko.

Totoo kayang this week na launch?

Kung totoo man bat di ko manlang nabalitaan?

Sinubukan kong mag-surf sa net pero walang kahit isang patungkol sa launch ng console.

Siguro fake news lang yung nasagap nila.

"Lalim ng iniisip ah." Nagulat ako sa nagsalita pero outside ay kalmado lang ako.

Pagtingin ko kung saan nanggaling ay nakita ko si Mae. Nasa room na kasi ako.

"Oh ikaw pala. Ano ginagawa mo dito?" sabi ko.

"Hala sya, malamang classmates tayo. Ayaw mo pa may katabi kang maganda." si Mae na nakangiti.

"Tsk!" tugon ko na lamang na may ngiting mapang-asar. More like smirk.

Lifeline Online: New World OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon