Entry #3

1 0 0
                                    

He's my best friend and also my secret love,  yes love not crush.

Middle month of our first year naging close kami and there it all started. Same interests and likes kaya madali kaming naging close. Lagi kaming magkatext at nagme meet sa school. Parehas kaming pumapasok ng maaga para lang makita ang isa't isa. It may sound cliche pero walang kami sa lagay na yan. Hahah!

Pag magkasama at magkausap kami, hay naku! Ang kulit at ang wierd ng usapan namin lagi. Out of this universe hahaah!

Pag magkasama kami lagi nalang kaming nagpagkakamalan na couple hahah! Which is super deny ako dati dahil friends nga lang ang pagkakaalam ko sa amin.  Pero pag pinagmamasdan ko siya tuwing nagdedeny ako, his face suddenly losing life? Hinahayaan ko lang noon, tinatawanan ko pa nga eh.

Then months passed yung usapan naming halos whole day nagiging half day na lang. Nung una hindi ko alam kung bakit until nagkukwento na siya ng ibang babae sakin which is ikinagulat ko pero hindi ko pinapahalata. Sinasakyan ko lang kwento niya, tinutukso ko pa nga.

Then one day, yung babaeng ikinukwento niya inamin niya na sakin na crush niya daw at close na sila. Just what?! Until recently kwento kwento ka lang tapos ngaun? Wow? Close na kayo?! Anyare?

Yung pagkikita namin tuwing before school nawala na. Yung texting namin nagiging thrice a week na lang. Kaya napaisip ako, wala na ba ako sa buhay niya? Best friend niya ako diba? Then why? Bakit bigla nalang naging ganito dumating lang yung babaeng yun?

From that moment hindi ko inakala na mararamdaman o masasabi ko yung mga salitang yun. Hindi ko rin alam na selos na pala yung nararamdaman ko.

Pag maguusap kami lagi na lang about that girl, about that girl. Nakakasawa na nakakainis pero hindi ko magawang magalit dahil best friend ko nga siya. Kasi any decision naman niya is support ko.

Until that day, that day, hindi ko inakala na masasaktan ako nang sobra sobra sa nabasa kong text niya. Sila na a week ago pa.

Nung una hindi ako naniniwala, binibiro ko pa na 'weh?' Pero the truth has been told, sila na talaga.
That moment, that moment, ansakit, ansakit sakit ng dibdib ko. Sinasabi ko sa sarili ko, ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan? Crush ko na ba siya? Hindi. Gusto ko na ba siya? Hindi, its as if it wasn't the right word until sinabi ko sa sarili ko 'Mahal ko na ba siya? ' and there all my questions have answered. Yung pain, yung kirot sa dibdib ko as if all of it biglang nawala.

So mahal ko na pala siya? Kelan pa?

All the memories with him recalled from the start until now. Hindi ko talaga alam kung kelan nagstart, siguro nadevelop ako? Dahil lagi kami magkausap at same interests pa? I don't know, but for now all I know is I'm inlove with my best friend.

My Thoughts and WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon