Chapter 6 - It's not like I'm lying to her

701 35 5
                                    

Nicole's POV

"Nay si Max?"

"Maaga siyang umalis"

Gusto ko sana siyang kausapin about sa nangyari kahapon. Pagdating nila Ethan last night hindi na niya ako gaanong pinapansin. I'm sure na may something kay Max ngayon. Never siyang naging ganun sa akin. I wonder kung anong problema niya.

"Goodmorning"

Tumayo ako bigla at nag-kiss kay Daddy.

"Goodmorning Dad. Kamusta tulog mo?"

"Medyo napuyat ako because your Mom keeps on calling someone last night"

"Sino naman po?" tanong ko.

"I don't know. She said it's about Ethan so I didn't bother her na. You know naman your Mom when it comes to Ethan"

Nag-smile na lang ako.

"Aalis ka na ba mamaya?"

"Yes Dad. I have to check the resto"

Dadalawa lang kaming kumakain ni Dad ngayon. Pero bigla siyang tumayo at lumipat sa tabi ko.

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Do you still have time for yourself? Baka naman masyado mo ng binubuhos lahat ng time mo sa resto"

"Oo naman, Dad"

"Don't put too much pressure on yourself, Nicole. Alam kong minsan nagwoworry ka because of your Mom"

Tahimik na tao si Daddy. Minsan hinahayaan niya lang si Mommy na magsalita tungkol sa mga bagay bagay. But he always checks on me.

Tumayo ako at niyakap ko siya.

"Thank you" sabi ko.

"I'm sorry if hindi na tayo gaanong lumalabas dalawa. It's your fault actually. You left me with your Mom"

"We both know na kailangan ko rin maging independent, Dad" sagot ko.

"I know. But you can't blame me na namimiss rin kita paminsan minsan"

Nag-smile lang ako at niyakap ko ulit siya.

—————————————————

We need to talk, Max. You can't just ignore me - Nicole Elizalde

Naka-ilang tawag na ako sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. Hindi ko tuloy alam kung paano haharapin si Rain. Alam kong kailangan kong sabihin sa kanya kung bakit ganun ang sinabi ni Max. But I know na kahit paano masasaktan si Rain.

"Are you ok?"

"Huh?" sabi ko kay Belle.

Nag-iikot ikot kami ngayon sa mall habang inaantay si Rain. Manonood kasi kami ng movie ngayon.

"You seem distracted. May problema ba?"

"We need to sit first"

Pumunta kami sa food court. Sinabi ko kay Belle yung tungkol sa naging usapan namin ni Max.

"So hindi mo pa rin siya nakakausap until now?"

"No. Hindi niya sinasagot mga tawag ko. Should I tell Rain?" tanong ko.

"Of course" sabi niya agad.

"Pero alam kong panghihinaan ng loob yun. What am I going to tell her? Eh ni hindi ko nga alam kung bakit biglang naging ganun si Max"

"As in wala kang idea?"

"Wala. Ok pa nga si Rain sa kanya eh. I even told her that I was in love with her. And sinabi niya na tanggap niya ako"

Sweet DispositionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon