Hi ako si Rebecca..
Rebecca Kokkak … oo “KOKKAK” ang apilyido ko... Bakit may masama ba dun?
At dahil sa mabantot kong apilyido binansagan akong PRINSESA PALAKA …
Bata palang iniwan na ako ng nanay at tatay ko , at kasama nilang iniwan sakin ang mabantot kong apilyido… At hindi lang apilyido pati narin ang mabantot na pangalang REBECCA at pag pina-ikli ay BECCA at pagnagtagal ay nagiging BECCANG … oh diba? AMBANTOT NG LAHAT?
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ako bansagan ng ganyang palayaw … eh kung tutuusin mas madali naman kung BECCA oh ECCA bakit kailangan pa lagyan ng NG na nagiging dahilan ng pagbaho ng aking pangalan na kasing amoy ng inyong hininga, burak sa kanto, ilog pasig na may patay na daga na palutang lutang … BAKIT?? BAKIT KAILANGAN DAGDAGAN?!!!
At hindi pa diyan natatapos ang KABAHUAN NG AKING BUHAY…
Bakit ba sa kamalas malasan ng buhay … kailangan pang tawagin ang bawat isa sa kanilang apilyido? Para ba maging pormal? SA TINGIN NIYO BA PORMAL ANG APILYIDO KO? Wag po tayong engot … pag tinawag mo ako mag mumukha ka lang PALAKA!
“KOKKAK, pakopya ng assignment!”
“KOKKAK, pahingi ng papel!”
“KOKKAK, KOKKAK, KOKKAK”
Diba para kang palaka na hindi mapakali? Bakit pa ba nauso yang ganyang tawagan sa elementary na haggang ngayon dala dala ko parin sa high school…
At kung tutuusin ito’y hindi isang fairy tale ito ay isang HORROR … “HORROR PO ITO”
“BECCANG ANG PRINSESANG PALAKA” Tawag sakin ng iba … Maganda na sana diba? Kaso dinagdagan pa ng PALAKA
Pero kahit na ganyan naniniwala parin ako na…
“LAHAT NG PRINSESA MAY KORONA” at hindi diyan mawawala ang mga “EVIL WITCHES” at ang aking “PRINCE CHARMING”
At ako si BECCANG ANG INYONG PRINSESANG PALAKA … KOKKAK
BINABASA MO ANG
BECCANG, ANG PRINSESANG PALAKA
Teen Fiction“LAHAT NG PRINSESA MAY KORONA” at hindi diyan mawawala ang mga “EVIL WITCHES” at ang aking “PRINCE CHARMING” Ako si BECCANG ANG INYONG PRINSESANG PALAKA … KOKKAK