Chapter 1

8 0 0
                                    

Sa kaharian ng Guamjo kung saan naninirahan ang mga Fairy Godfather at ang mga alagad nito. Ang kaharian ng Guamjo ay hindi gumagamit ng Black magic at minamahal nila ang lahat ng tao nananinirahan dito sa buong mundo mapa bata man, mapa matanda, may bahay man, o wala. At may apat pang malalakas na mga Fairy ang anak ng makapangyarihang Fairy Godfather na si Ganglyeoghan o ang ibig sabihin ay pinakamalakas sa lahat ang kanyang apat na anak ay sina Haengbog, Dojeon Gwaje, Sowon, at si Kkum.

Si Haengbog ang kanilang kuya. Siya ay matipuno at gwapo ang ibig sabihin ng kanyang pangalang ay ang prinsipe ng Kaligayahan binibigyan niya ang lahat ng mga tao o hayop ng kaligayahan ano mang oras.

Si Dojeon Gwaje siya ay gwapo, matangkad at hindi gaano masayahin kasi nga siya ang prinsipe ng mga Pagsubok. Binibigyan niya ng ano mang pagsubok ang lahat ng mga tao o hayop.

Si Sowon siya ang kanilang babaeng kapatid at may pagtingin rin ni Kkum si Sowon ay napakagandang dyosa siya lang ang nagiisang babae sa kanilang kaharian kaya din naman mahal siya ng kanyang ama ang kanyang kapangyarihan ay ibibigay niya kung ano man ang hiling ng isang tao o hayop na naninirahan sa tunay na mundo.

At si Kkum, si kkum ay ang kanilang pinakabatang kapatid mahal nila ito kasi ang kanyang kapangyarihan ay ang pagbibigay ng masasayang panaginip kaya nga lang, siya ang pinakamalupit sa lahat. Bata palang ito ay mahilig ng tumakas at magpa laboy laboy sa mundo ng mga tao kaya napag desesyonan ng kanyang ama na isarado nalang ang kanilang makapangyarihang gate sa kanilang kaharian......

Ang kanilang kaharian ay may matalik na kalaban at ito ay ang Eghuam. Ang kaharian ng Eghuam ay malakas at gumagamit ng black magic tinatawag din sila ng isang fairy godfather malakas din sila at may kapangyarihang kumontrol sa mga tao. Ang kanilang pinakamalakas na hari ay si Maximus may mga anak din siya. May apat na anak tulad din ni Ganglyeoghan. Si Georus, Phylo, Jacob, at si Krumos.

Si Georus ay ang makapangyarihang itim na ang kanyang kapangyarihan ay hindi nagbibigay ng kaligayahan sa lahat ng mga tao na kung sino ang masaya.

Si Phylo, ang maitim na makapangyarihan siya ay tumututul sa mga pagsubok na ibinibigay ni Dojeon Gwaje.

Si Jacob, siya ang kadalasan pumupunta sa tunay na mundo ng mga tao para pigilan kung ano ang kanilang gusto o wish ng isang tao at siya din ay may maitim na kapanyarihan.

Si Krumos, ang nagbibigay ng bangungot tuwing ang isang tao o hayop ay natutulog.

__________
Enjoy the first chapter???

So click the second chapter!👇 (Undone)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magic WinterWhere stories live. Discover now