---Riley's POV---
Kasalanan ko 'to.
Bakit naman kasi naisip ko rin na pwedeng mangyari yung plano ni Jaythan na walang magiging problema.
Paano kung paraan nya lang iyon para malaman nya kung gusto ko talaga sya?
Ngayon paano ko masasabi sa kanya na sigurado parin ako para sa nararamdaman ko kung hindi ko magawang umiwas kay Bryon?
Iniiwasan ko sya, pero hindi sa paraan na akala ko ay madali. Akala ko kaya kong umakto ng normal na para bang wala akong pakialam sa kanya.
Pero hindi parin pala.
Pero pwede namang nag aalala lang ako bilang isang kaybigan di'ba?
Sa ibang tao nangayari iyon kaya may posibilidad na ganun nalang ako ang nararamdaman ko.
May pakialam lang ako sa kanya dahil kaybigan ko sya.
Dahil kilala ko sya.
Ngayon tuloy ay hindi ko malaman kung paano ako makikipag ayos kay Jaythan, gulong gulo na ako. Lalo na matapos ng mga nangyari kanina.
Hindi matanggal sa mga mata ni Bryon ang panghihinala.
Nagawa nya pa akong tanungin kung sino ako at wala akong naisagot sa kanya kundi mga luha dahil sa bigat ng loob ko matapos ng nangyari.Nakahiga lang ako sa sahig at walang pakialam kung madumi man iyon o hindi.
Parang nawalan ako ng lakas matapos ng mga nangyari at ngayon pati utak ko ayaw ng gumana para mag isip ng paraan kung paano ba ako hihingi ng tawad kay Jaythan.Sandali pa akong napakamot nang maalala ko yung tanong ni Bryon.
"Sino ka? Anong klaseng tanong naman yun? Anong gusto nyang sagot ang marinig sakin? Tsk nakakainis naman kasi eeh"
Ngayon lang kami nagkaroon ng hindi pag kakaunawaan ni Jaythan mula noon. Madali lang syang patawarin, at sabihan ng mga nararamdaman.
Madali lang din mag sorry sa kanya sa mga simpleng bagay, pero seryosong bagay kasi itong nangyari at parang gusto ko nalang na matunaw o kaya naman ay ipadala ko nalang sa hangin ang gusto kong sabihin sa sobrang hiya at lungkot ko.
Sa sobrang kahihiyan parang gusto ko nalang na mag mukmok at hindi na mag pakita sa kanilang lahat.
Dahan dahan akong naupo at niyakap ang mga tuhod ko saka tumingin sa kawalan, maya't mayang pumapasok sa utak ko ang tanong ni Bryon sa kabila ng mga nangyari nang may bigla akong maalala.
"Hindi kaya--"
Mabilis akong tumayo at patakbong pumunta sa pintuan pero napatigil din ako at ginulo ang buhok ko sa inis.
"Paano ko nga ba sasabihin kay Jaythan? Aarrhhg nakakainis talaga. Paano kung narinig ni Bryon yung usapan namin?"
Naisip ko nalang.
Nasa gilid lang sya ng hallway kanina, ilang hakbang lang ang layo mula sa pintuan ni Jaythan.
Paano nga kaya kung narinig nya?Anong gagawin ko?
Sinong pag sasabihan ko? Kay Jaythan ko lang naman komportableng sabihin ang mga bagay bagay.Tapos ngayon hindi pa kami okey dalawa.
Hindi na ako komportble makipag kwentuhan sa iba nya pang mga kapatid di gaya noon.Nakatayo lang ako at tinitignan ang doorknob nang bigla nalang iyong umikot at bumukas ang pintuan.
Bumungad sakin ang mukha ni Zac."Hindi ka manlang kumatok. Paano kung nag bibihis ako."
Sabi ko sa kanya na pumasok at sinarado ang pinto.
"Edi maganda. Hey gorgeous missed you so much."
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romantik#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...