Chapter 2: Second

102 3 0
                                    

Amethyst's POV

Another day sa school.

Since maaga pa naman, naglibot muna ako sa campus. Habang naglalakad ako, Nadaan ako sa library, napatingin ako sa library at nagsitayuan ang mga balahibo ko. Kaya dali-dali akong tumakbo palayo. Pero ano bang meron dun at nagsitayuan mga balahibo ko? Parang nakakakilabot.

Yung totoo kasi, ipinagbabawal samin na magpunta at pumasok sa library, ewan ko kung bakit. May mga haka-haka na may nagkulong daw na estudyante dyan tapos di na nakalabas tapos nagmumulto daw siya, meron namang haka-haka na dati daw, sementeryo ang school na to tapos yung library mismo ang morgue tapos ayaw daw ng mga kaluluwa na ginawang school ang sementeryo kaya nagalit sila at nagmulto. Ewan ko ba. Pero haka-haka lang naman diba? It means walang kasiguraduhan.

Gusto ko pa naman pumasok dun para magbasa, pero paano? Bawal nga diba. Baka may mangyari pa sakin... wag naman sana.

Lakad lang ako ng lakad, tapos may nakabangga ako.

" Aray!" sigaw ko at napatingin sa lalaking bumangga sakin.

" Sorry mi--- Amethyst?!"

" Kris-Kristoff?!"

" Ako nga Amethyst, tagal na nating di nagkita ha!" siya nga pala si Kristofer Rivera, Kristoff for short. Pinsan ko siya. Lumipat kasi sila ng bahay, nung grade 6 palang kami, parehas kami ng birthday tapos parehas rin ng age. Magkapatid ang mga nanay namin. And sobrang close kami.

" Oo nga eh, Dito ka rin pala nag-aaral? Anong section mo?" tanong ko.

" 3A, ikaw ba?" classmate ko pala siya, bakit di ko siya nakita kahapon?

" Ah, classmate pala kita? Bakit di kita nakita kahapon sa first day?" tanong ko

" Ah, ngayon lang kasi ako natransfer eh, actually di ako dapat dito mag-aaral kaso, mas malapit tong GreenLand Academy sa bago naming bahay." Ay! Di ko ba nasabi sa inyo na GreenLand Academy ang pangalan ng school namin? Sorry.

" Ah---"

*Kriiiing Kriiing*

Naputol ang sasabihin ko kasi nagring na yung bell, it means pasok na sa classrooms.

" Tara sabay na tayo." sabi ni Kristoff.

- Sa classroom-

" Uy Amethyst! Tell me who's that guy" tanong sakin ni Trixie at tinuro si Kristoff na nasa harap lang namin.

" Manliligaw mo ba? Ba't di mo sinasabi samin?" sabi ko na nga ba, yan ang akala niya. Pwes nagkakamali siya noh. Wahahahah! xD

" Hindi ko siya manliligaw noh! Pinsan ko siya..." tapos kinalabit ko si Kristoff at tumalikod naman siya.

" Trixie, Yurie, and Nadine meet Kristoff, pinsan ko." sabi ko. Magsasalita pa sana si Kristoff pero biglang dumating si maam. Nuh bayan? Kanina pa nagring ang bell, kakadating lang ni maam.

" Class, may bago ulit kayong transferee. Iho, go to the front" sabi ni maam kay Kristoff.

" Umm, hello everyone! I'm Kristofer Rivera, Kristoff for short." pakilala ni Kristoff.

" Eww! Transferees nanaman? Tss." sambit ni Marian. Epal talaga! Alangan namang walang transferees.

Nagsermon lang si maam at pinarecess kami.

" Nga pala Amethyst, sino ba yung babae na sumigaw sakin.kanina? Yung sabi niya Transferee nanaman?" tanong sakin ni Kristoff habang kumakain kami.

" Ah, si Marian,ang walang hiyang bully dito sa GreenLand. Alam mo hayaan mo nalang yun, Epal kasi yun eh! Atsaka wag kang magtangkang kalabanin siya kundi Magbababye ka sa mundo." paliwanag ko.

" You mean, kaya niyang pumatay?"

" Basta secret lang natin to ha. Nakita ko kasi dati ang nangyari sa isang nerd dito sa school. Binubully siya nina Marian kaya hindi siya nakapagpigil at sinapak niya si Marian sa mukha kaya ayun, pinatay siya."

" I heard my name." paki ko kung narinig mo pangalan mo. Letse ka! Oo, si Marian yan. Patay!

" Ah eh w-wala..." nauutal na sabi ko. Naku po! Lagot na ko.

" Sumunod ka nga sakin, Amethyst." sabi ko nga.Lagot ako.

" Dyan ka lang, Kristian este Kristoff." sabi niya at kinaladkad ako kung saan.

Dinala niya ako sa harap ng library. Sa part kasi na to, walang nagtatangkang dumaan.

" You said, your gonna keep my secrets, right?"

" Hindi ko sinasadya Marian. Sorry. Pero---"

" Pero ano? May nakaalam na Marian. You should be thankful, hindi kita papatayin, pero pag may isa pang nakaalam, maghanda ka na." tapos nagwalk-out siya. Ang tanga ko talaga. Alam ko naman ang kapalit kapag may nakaalam eh.

-----

Thanks for reading! Vote and Comment kayo please...

The Haunted LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon