Chapter IV

119 4 0
                                    

*Aena Castro*

Ang galing! Ang galing mo talaga Aena. Sa dami ng nakalimutan mo, yung pagpapapicture pa kay Bibe Ricci mo ang nakalimutan mo. Ano ba yan! Ang goal ko pa man din this year ay magkaroon ng picture with Cci. Mukhang kailangan ko ng plan B. Naiisip niyo ba ang naiisip ko na naiisip ng buong bayan?

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at naabutan ko sina Amber at Drei na nag-aalmusal. Aba naman, nakataas pa ang dalawang paa nila. Dang balasik nga naman. Teka nasaan si mamsh? Umupo na ko sa kabisera ng lamesa kasi ung dalawa nasa magkabila ng lamesa.

"Nasaan nga pala si mamsh?" Sabay kagat sa pandesal na nasa harapan ko. Gash! Pandesal ni ano. Charot.

"Baka nag-grocery. Alam mo naman 'yon si mamsh." Sabi ni Amber habang nahigop ng kanyang chocolate drink.

Hanggang sa mahabang katahimikan ang nanaig sa aming tatlo. At sinabi ko na nga ang bagay na naiisip ko.

"Diba wala akong picture with bibe ko?"

"Oo dahil sa kashungaan mo." Hinampas ko si Drei dahil sa sinabi niya.

"Ano ba! Wala ng part two ung kashungaan ko kahapon okay? Pero ito na nga, para makapag-picture ako kay bibe bakit kaya hindi tayo pumunta sa Taft?" At ayun na nga parang nabilaukan si Drei sa sinabi ko.

"Are you some lunatic or what? Gusto mo bang mapagalitan tayo ng mamsh mo? Sabihin pinayagan ka na nga sa UAAP game ni Ricci tapos pupunta ka pa sa DLSU Taft."

"Pero 'yon na lang ang last resort ko para magkaroon ng picture with him." 'Yon na lang ang paraang naiisip ko.

"Girl, baka sabihin ng mamsh mo abuso ka na. Pinayagan ka na nga tapos ngayon tatakas ka para pumunta sa Taft at makapag-papicture kay Cci." Napasandal na lang ako sa upuan. Napa-buntong hininga na lang ako.

"Sa bagay. Siguro, hanggang pagti-tweet na lang ako kay bibe ko."

"Everything has a right time and right place. Don't lose hope. Maybe tomorrow, next week or the next day. Magkikita ulit kayo. Like hello? Nasa iisang bansa lang kayo. Wag kang oa." Pag-aalo sakin ni Drei.

Napatingin na lang ako sa mga FB Friends ko na nakapag-papicture kay Ricci. Ang nakakapag-hype lang talaga sakin ay yung nayakap ko siya! Oha! E' malamang nayakap din ng mga fans si Ricci, yung mga nakapagpapicture. Naiiyak na ulit ako.

Makpag-tweet nga.

@aenamagenta: "How can you be so stupid? Hope can turn back time and have a picture with him. Huhuhuhu @RicciRivero06"

Tweet Sent!

Dahil sa pagdaramdam ko, hindi ko alam kung nag-sasad eating ako. Hayst, ang tamlay tuloy ng inday niyo ngayon. Habang nakain ng hopia. Gash! Ano ba? Sumasakto ba talaga ang mga bagay-bagay? Napatingin tuloy ako sa customize magnet na may picture ni Ricci na nasa may ref. How can you be so gwapo? And why am I so conyo? Bakit ba hindi gumana ang adrenaline ko ng panahon n anagkaharap tayo? Nakakainis.

Umalis na yung dalawa, si Drei umuwi para magbihis kasi kahapon pa ung suot niya. At si Amber naman may practice na naman sila ng cheerdance. Ano ba naman 'yon! Walang katapusang practice tapos saglit lang naman ipeperform. I am now torn into papasok o pupunta at mag-aabang kasama ng ibang fans sa Taft. Ngayon nagbibihis na ko, dahil I made up my mind na pupunta ako sa Taft. Hindi pwedeng matapos ang araw na 'to na wala akong picture with my bibe.

Nandito na ko ngayon sa labas ng La Salle Taft. My dream school. Even before na naging DLSU Green Archer fan ako, matagal ko ng pangarap ang makapasok sa ganitong eskwelahan kaso ayun nga hanggang pangarap lang ako. Marami na kong naka-chikahan na ibang fans at ang saya nilang kasama.

Reality of Fate ( Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon