"SECRET" feeling with my Bestfriend (Short Story)

102 3 1
                                    

“uy Best! Sino nga yung gusto mong ligawan?”

Kanina pang tanong ni Kat kay Jay.

“Secret nga kasi!!”

Kanina pa ring sagot ni Jay kay Kat. Kanina pa tinatanong ni Kat kung sino ang liligawan nito pero puro “Secret” lang ang nakukua nyang  sagot dito.

“Ang daya naman eh!!! Akala ko ba Bestfriend mo ko!?? Tapos may tinatago ka sakin!!!”

 Pagtatampo naman ni Kat.

“Hindi ko masasabi sayo ngayon!! Bukas! Promise bukas sasabihin ko na!!” –Jay

“Guys!! Kain meryenda muna kayo!”

Sabi ng Mommy ni Kat na kalalabas lang galing sa kusina.

“Ah Okay po tita, punta na lang po kami sa kusina.”

Sagot naman ni Jay na nakaupo sa tabi ni Kat.

“Okay, sabihin nyo Lang sa maid kung may kailangan pa kayo.” 

Pahabol ng Mommy ni Kat habang paakyat na.

Nung  naka pasok na ang mommy ni Kat sa kwarto nito… Tumayo na si Kat para pumunta ng kitchen ng padabog pa at naka-pout.

“Promise sasabihin ko na sayo bukas. Please wag ka nang magtampo,, Kat.”

Biglang sabi ni Jay at sumunod sa kitchen.

“Sige na nga! Hihintayin ko na bukas!!”

Sabi ni Kat,, sabay kagat sa chocolate bar na hawak niya.

Sila Jay at Kat ay matagal ng mag- bestfriend. Pre- School palang sila ay mag kaibigan na sila. Magkaharap lang naman ang mga bahay nila kaya ganun na lang sila ka- close. Pati na rin ang mga magulang nila ay mag ka-kaibigan din.

Si Kat ay 18 years old na. Si Jay naman ay 19.  Dalawang  buwan lang ang tanda ni Jay kay Kat. Kaya naman pareho sila ngayong College na. Isang taon na lang ay ga-gradute na sila.

*** *** *** *** ***

Sa School ….

“Hi Kat!! Favorite mong flowers!!”

Sabay abot ni Jay ng bulaklak kay Kat.

“Uh, bakit mo ko binigyan nito??”

Tanong ni Kat kay Jay.

“Because I like …..

I like to give you that flowers!”

Sagot naman nito.

“Ah so sino pala yung  liligawan mo!!???? Diba sabi mo nagayon mo na sasabihin??”

Pag iiba naman ni Kat ng usapan na lalong nagpakaba kay Jay.

“Ikaw…

Mahinang sabi ni Jay pero narinig ni Kat.

“huh???”

Naguguluhang sabi ni Kat.

“Ikaw! Masyado kang excited!! Mamaya na lang.”

Sagot naman ni Jay.

“Ah sige mamaya na lang ulit!! May practice pa kami eh. Bye!”  - Jay

“okay”

"SECRET" feeling with my Bestfriend  (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon