Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang pinapanuod ang mga patak ng ulan na tumatama sa labas ng salamin ng aking bintana. Wala akong magawa! Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa na nasa gilid ng aking kama na nasa gilid naman ng bintana kaya madali akong nakaka silip. Urgh! Wala parin akong magawa! Walang wifi! Walang load! Wala pang tv kasi ibeninta namin nuong nagka sakit si mommy! Pulubi naba talaga kami ngayon? Pinikit ko ang aking mga mata at tinakpan ang buong mukha ko ng unan. Bila namang pumasok sa isipan ko ang huling ala-ala na magka sama kami ni mommy.
"Mart anak, halika dito!" Sabi ni mommy sa akin at agad naman akong lumapit sa kaniya. "Hawakan si baby Angelo. Masayang sumasayaw siya sa loob ng tiyan ko." Sabi ni mommy habang naka ngiti. "Huh? How can you tell that he's dancing mom?" Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ng mahina ang tiyan niya at na feel ko ang paggalaw ng kanyang tiyan. "Alam ko, kasi ako ang ina n---" hindi na natapos ni mommy ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang naka ramdam ng sakit sa tiyan niya at may nakita akong dugo sa hita niya na tumutulo. "A-ahh!!! Aray!" Sigaw ni mommy kaya napaiyak nalang ako dahil hindi ko alam ang gagawin at dahil naaawa ako sa kalagayan niya. Kitang kita ko sa mukha niya na talagang nasasaktan siya. "Mom!! Hold on! I got you! Dad!! Daddy!!! DADDYY!!!!"
Sumisigaw na ako ng sobrang lakas habang inaalalayan si mommy papasok ng kotse. Hindi parin maawat ang mga luha sa pag agos. "D-dad!! Halika na!! Si mom!" Nung narinig na ako ni daddy, dali-dali siyang tumakbo at sumakay sa kotse at nag drive patungo sa pinaka malapit na hospital. Nasa backseat kami ni mommy ngayon at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ko. Medyo natagalan kami noon sa daan dahil sa napakahabang traffic.
BINABASA MO ANG
Sumpa Kita
Historical Fiction#HitoricalFiction #Romance #Fiction #Sumpakita #Sumpa #Kita Ito ay storya na nagpapatungkol sa isang dilag na nawalan ng pagasa sa buhay. Ngunit nag bago ang lahat nung nakilala niya ang binang na kung tawagin niya ay isang sumpa! Siya ay isang dala...