Chapter 14 - Dance with Love

113 0 0
                                    

After a week mukhang naging okay na si Erol, ako eto siguro sabihin nating hindi ko na ginagawang priority ang naging heartbreak ko kay mokong. Hindi man ako masyadong kuntento sa buhay ko ngayon, gaya ng mga nagkakaroon ng heartache. Pag iniwan ka ng mahal mo kahit pa alam mong di ka niya mahal tiyak na may magiging kulang di lang sa puso mo kundi sa buo mong pagkatao.

 Bago magtapos ang pasukan namin nag announce na ang adviser namin na magkakaroon ng masquerade ball sa school para daw sa closing ng school year. Nagpagpasyahan naming mga girls na magkakaklase na sabay sabay na lang bumili ng susuotin namin.

The party will happen sa last week ng april kaya siguro mga 1 linggo na lang ang natitira para mag prepare. Nagmeet kaming almost 15 girls sa bahay namin at nag taxi papunta sa SM. Siguro it took mga 20 minutes before we got to the mall, "Tara na girls.." sigaw ni Mimi pagkababa ng taxi habang nakaturo sa pintuan nung SM. "Okay, leggo.." sabi ni Kristina pagkababa nila sa sinakyan nilang taxi. "Okay" bulong ko sa sarili ko habang nakangiti.

Isang blue dress ang napili ko parang ball gown ang style at simple lang siya, bumili rin ako ng white bracelet at bangle with matching earrings, ang kulit kasi ni Mimi eh para daw maganda ako at mas mapansin kesa kay Kim. "Oh! tignan mo to, uy.. Para mas bongga ka!" sabi ni Mimi habang namimili kami "Thanks friend.." sabi ko "Okay lang, oh kayo girls? Meron na ba kayo?" sabay yakap sa akin ni Mimi at sinabihan yung iba pang mga kasama namin.

It took 3 hours bago kami nagsiuwian, kumain pa kami sa Kenny Roger's para daw may picture picture for remembrance. Pag uwi ko chineck ko yung jewelry box ko naalala ko kasi na di ako bumili ng kwintas, bumungad naman agad sa akin yung kwintas na di ko pa alam kung kanino galing. Kahit naman alam ko na pwedeng manggaling yun kay Justin ayoko pa ring umasa, di naman sa masasaktan ulit ako kundi dahil di ko na gusto pang maging konektado sa kaniya.

Sa totoo lang naman talaga wala namang "kami" eh, I mean wala naman kaming commitment sa isa't-isa ni "I love you" wala. (Habang iniisip ko tong mga bagay na to, gumagaan ang loob ko kasi nababawasan yung sakit na nararamdaman ko) "Move on" siguro hindi ko na lang to gagawin kasi wala namang dapat kalimutan kasi yung mga memories na ibinigay at shinare naming dalawa gusto kong manatili hindi lamang sa puso at isip ko kundi sa buong pagkatao ko dahil kung sino ako ngayon isa siya sa mga dahilan nito.

[April 25, '09 - Night at the Masquerade Ball . 6pm]

Wearing black mask at yung mga binili namin kasama ko sila Mimi at yung ibang girls, sobrang dami ng mga tao pero nakita ko si Erol tinanggal niya yung red mask niya sabay lumapit sa amin kasi si Mimi nagtanggal din ng maskara niya kaya siguro nakilala kami. "Hi" sabi ni Erol "Sino sino kayo?" dugtong niya nagpakilala naman kami, yung oras na yun pinapasuot ko kay Mimi yung kwintas na may infinity sign at heart sa gitna nito. "Erol!" sigaw nung lalaki na mukhang kararating lang at malapit sa may entrance ng gymnasium. "Ah, teka si.." biglang sabi ni Erol at napatingin sa akin. "Geh maya na lang.." sabay takbo niya. Pagkasuot sa akin ni Mimi ng kwintas nakita ko yung lalaki na umakbay kay Erol at pumunta ata sa may labas.

Maya maya pa nagsalita na yung MC ng program "Okay guys to start the party here's the group of fourth year students who's gonna sing for us. Let's give them a round of applause.." sabi nung SC president na Host ng party sabay palakpakan ng lahat at kanta ng all girl group.

Love Story - Taylor Swift

We were both young when I first saw you.

I close my eyes, and the flashback starts,

I'm standing there, 

On the balcony in summer air.

I see the lights, see the party, the ballgowns.

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon