Chapter 38

4.7K 147 10
                                    


STANLEY'S POV

Kuyom ko nang mahigpit ang kamay ko, sa mga sinabi nang babaeng iyon para akong binuhusan nang malamig na tubig, parang nagising ako sa katutuhanan.

Nakakainis siya, anong sabi niya siya ang papalit sa akin bilang Captain? Nahihibang na ba siya? Sa tingin niya magagawa niyang maging Captain? Anong alam niya sa position na iyon? Aba ang yabang, puwes hinding hindi ako papayag, hinding hindi ko hahayaan ang ganon.

Bakit ba kasi dinala ko pa dito ang problema ko kay Nica, f*ck, napahiya tuloy ako. Damn it.

Ano nga bang dahilan kung bakit ako nagwala? F*ck, nalaman ko lang naman na buntis si Nica, at ang nakakaletche pa alam ito nang Daddy niya at talagang sinupurtahan pa. Damn it, gaano iyon kasakit sa akin? Huh? Sobrang sakit, ako nga na boyfriend niya hindi siya nagalaw tapos malalaman ko na lang na nabuntis siya nang lalaking pinagkasundo lang sa kanya nang magaling niyang ama, that's f*cking damn.

Paano niya nagawa sa akin ito? Paano niya nagawang lukuhin at pagmukhain akong tanga? Damn it, kaya sobrang nasasaktan ako at hindi ko na naiwasang magwala dito nang kulitin ako ni Coach, sumabay pa talaga sa training namin ang problema kong ito. Damn it, really damn.

Pero natauhan ako sa mga pinagsasabi nang babaeng stupid na iyon, sa dami at mahabang pagsasampal niya nang kung anu-ano sa akin hindi ko maiwasang makaramdam nang pagkainis sa sarili ko, may point kasi lahat nang sinabi nito, I hate to admit pero natauhan ako don at same time napahanga sa mahabang sinabi nito na puro may punto.

Tsk. Okay fine, magaling siya magpukaw nang katutuhanan, magsampal para magising ka, ang magsalita nang may kabuluhan.

Nakuyom ko na naman kamao ko nang maalala ang pinakita niyang video, video ni Nica na may kahalikan, damn it paano nagkaroon nang ganon ang babaeng iyon? Or gawa-gawa lang niya, o baka pinasa lang sa kanya? Geeez, might asked later.

Napasandal ako at napatingin sa ulap. Damn it, sobrang tanga ko, ilang buwan na akong niluluko ni Nica, kaya pala ayaw niyang magpunta ako sa bahay nila dahil andoon pala gabi-gabi ang walang hiyang lalaking iyon, geeez, buti na lang kagabi naisipan kong dalawin siya not minding na pagtabuyan man ako nang daddy niya at that time nakita kong magkayakap sina Nica at ang lalaki at nandoon pa sa harap nang daddy ni Nica, geeez. Nakakainis, nakakainit nang ulo kapag naaalala ko iyon, iyon ang plano nang Daddy ni Nica at iyon ang lalaking gustong gusto nito kaya okay lang kahit nabuntis nito si Nica kahit nag-aaral pa. F*ck ang talino ng Daddy niya at talagang sinigurong hindi sa akin mapupunta si Nica. Geez.

Inis kong pinagsusuntok ang bleacher. Si Nica pa naman inspirasyon ko sa paglalaro ko but now she's gone, everything is gone. Our dream, our plan, our destiny. F*ck hindi ko maiwasang sobrang masaktan sa nangyari.

"Stanley." Napalingon ako sa gilid ko si Coach nakacross arm na nakaupo sa kabilang bleacher. Kumunot noo ko, all the time andiyan lang siya? Damn him, nakikita niya ako sa kag*guhan ko.

"One hour has been up. Decide now, hindi ako magdadalawang isip na gawing Captain si Angela." Seryosong sabi ni Coach.

Napaismid ako, talagang papayag din ang lalaking ito sa gusto nang babaeng stupid na iyon? Aba hindi ako papayag.

"Heto na tatayo na at sasakay nang bus. Happy?" Saracastic pa akong ngumiti pero naparolled eyes pa ako.

Tumayo na ako at inayos sarili ko.

"Great! Ayusin mo ang sarili mo, ayoko nang makita kang nagwawala at mukhang wasted na wasted para kang sira ulo. Buti nga andiyan si Angela at napagsabihan ka. Tsk. Tsk. Babae ang problema mo dinamay mo na ang team natin? Sa tingin mo ba mapapatawad kita kapag hindi makapaglaro ang team natin sa League?" Tinitigan pa niya ako nang mabuti.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon