MY CAFETERIA LOVE (One Shot)

603 24 10
                                    

MY CAFETERIA LOVE

By: gohyemi17

This story was based on the author's experience.

        

 What comes to your mind when you hear the word Cafeteria? Coffee ba? Snacks? Drinks? Fruitshakes? O tambayan? Malamang sa malamang marami satin ganyan ang naiisip pero everytime I hear that word naalala ko lang sya tsaka yung kagagahan ko sa kanya. Pero hindi nyo naman ako masisisi  eh,  kakaiba kasi sya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Pano ba naman, he makes my heartbeat runs faster when he's around. He makes me feel like I'm on the top of the world when he smiles and makes me feel like there are butterflies in my tummy when I saw him.

           

But what really makes him different from the others is that, he is MY CAFETERIA LOVE.

            Kriinggg! Kriinggg! Kriinggg!

            Nakakabadtrip naman. Nagring na naman ang bell. Kung bakit ba naman kasi kung kelan nag-eenjoy akong titigan sya saka naman wrong timing ang pagring ng bell. Sina Jubs at Marga naman sumama sa Student Council Officers para magmonitor kaya ako lang mag-isa ang nandito.

            Tumayo na ako mula sa pagkakaupo habang hawak-hawak ko ang C2 na wala pa ring bawas mula ng bilhin ko kanina. Masyado kasi akong natulala kay Earl kaya hindi ko na ito nainom. Paalis na rin sina Earl Kasama yung kaibigan nya. Hindi ko alam ang pangalan nya kaya binigyan namin sya nina Jubs at Marga ng A.K.A.. Since lagi syang nakaheadset tuwing makikita namin sya, tinawag namin syang Mamang Headset.

            Naglalakad na ako palabas ng Cafeteria habang iniinom ang C2 ko ng may bumangga sakin mula sa likod. Natapon tuloy ang C2 sa uniform ko at dahil din sa lakas ng impact napaupo ako. Bwisit naman, sino kaya yun?

            "Sorry Miss, nagmamadali kasi ako.!"

            Bumilis ang tibok ng puso ko kaya napatingin ako sa taong naglahad ng kamay nya sakin para tulungan akong tumayo. Pagtingin ko... Omo! Omo! Si Earl pala pwede bang bawiin ko na yung sinabi ko kanina na bwisit sya.

Tinulungan nya akong tumayo.

"Sorry Miss, nabasa ka tuloy ng C2 mo."

Napansin kong may kinuha sya sa bulsa nya. Namalayan ko na lang na iniaabot nya sakin ang panyo nya.

"Sorry talaga Miss, hindi ko sinasadya." Pahabol pa nya bago umalis kasama si Mamang headset.

Tiningnan ko mula ang panyo nya bago ako tuluyang umalis papuntang classroom namin. Sana hindi nya napansin na panay ang ngiti ko kanina kasi baka isipin nya na may sayad ako since dapat nga galit ako dahil sa pagkakabunggo nya sakin at pagkakatapon ng C2 sa uniform ko.

Nakangiti pa ako habang paakyat ng classroom namin at hawak  ang panyo ni Earl. Ang bango-bango ng panyo nya. Ganito rin siguro ang amoy ni Earl. Haha. Lol.

"Aysaka!"

Napatingin ako sa tumawag sakin. Sina Jubs at Marga pala. Dali-dali kong tinago ang panyo ni earl sa bulsa ko.

"Oh bakit? Tapos na kayong magmonitor? Asan sila?"

"ah, oo, nasa office pa sila, gumagawa pa ng report. Ano yan?" sabi ni Jubs na ang tinutukoy ay ang panyo sa bulsa ko.

"wala to." Padenial na sagot ko.

"asus, wala daw. Ano nga yan? May nangyari siguro sa Cafeteria noh? Tingnan mo oh. Hindi maitago ang ngiti mo." Wika naman ni Marga.

MY CAFETERIA LOVE (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon