Napahiga ako sa dancefloor matapos ang dance practice namin. Napapikit ako habang naghahabol ng hininga, naramdaman kong may malamig na dumikit sa may sentido ko kaya napadilat ang mga mata ko, nakita ko naman na inabutan ako ni Column ng tubig kaya umupo ako at kinuha to.
"Next week yung performance natin tapos ngayong araw may dumating na invitation galing sa St. Louis Academy," paalala ni Column samin, as the leader, sya ang may kabisado ng bawat gagawin namin. Hindi naman kami tutol sa mga dadaluhan naming performances sa ibang institution, may consent din kami galing sa university president kaya walang kaso na paunlakan ang mga imbistasyon na binibigay nila sa amin.
"Tapos na ba tayo? Miss na miss ko na talaga yung kama ko, uwi na tayo," pagmamaktol ni Seb, ang pinakabata samin, magkakaedad lang naman kami pero sya ang matuturing namin na pinakabata samin.
Tinignan naman ni Jimin ang relo nya, "Tara na, past 10pm na pala," tumango nalang kami isa-isa dahil siguro sa pagod kaya wala ng nagkomento pa. Mabilis lang kaming nakapag-ayos ng gamit kaya agad din kaming nakaalis.
Naglalakad na kami palabas ng Arts and Social Sciences main building ng mapansin ko na wala ang cellphone ko sa bag ko.
"Teka lang saglit mga bro, naiwan ko yung cellphone ko," paalam ko sa kanila at nagsimula ng maglakad pabalik ng practice room namin.
"Hintayin na kita! Sabay kana sakin pauwi!" sigaw ni Jimin, hindi na ako sumagot pabalik dahil alam ko na hihintayin naman nya ako.
Mabilis ko lang nakuha ang cellphone, naglalakad na ako pabalik ng makarinig ako ng bulong na parang may kinakausap.
Lalaki ako, pero pwede padin naman akong kabahan sa mga bulong sa dilim diba, lalo na malapit ng maghatinggabi. May mga ghost stories pa man din akong naririnig tungkol sa main building namin. Sabi nila, may bata dawn a nagsasayaw sa dilim at humahanap ng mahihila nya.
Napalunok ako habang hinihintay na lamunin ako ng dilim.
Pero syempre, biro lang naman. Hinahanap ko ang pinanggalingan ng bulong. Masyado naman akong bading kung kakaripas ako agad ng takbo. Naglakad ako palapit sa may council office para kumpirmahin ang kutob ko.
"Ayokong umuwi, ilang beses ko bang sasabihin yon sayo Dad," sa tono palang ng bulong nito. Tuluyan kong sinilip sa nakaawang na pinto ng office kung kanino galing ang boses na yun.
Patay na ang ilaw sa loob pero alam ko na babae ang nasa loob, ayoko na sanang makinig pa sa pakikipag-usap nya pero may nagtutulak sakin na mas igihan pa ang pakikinig sa kanya.
"We're just circling in a conversation that we already know the endpoint, talking to me is useless, just focus on whatever you're doing and leave me alone," huminga ng malalim ang may-ari ng boses.
Yeah, I should go now, I don't wanna butt into someone else's life. Paalis na ako ng biglang bumukas ang pinto and the next thing I knew is that I'm on the floor while she is above me, fist already hanging mid-air at konti nalang tatama na sa pagmumukha ko.
"You," sabay pa naming saad sa isa't-isa. Hinigit nya ang maluwag na collar ng tshirt na suot ko. I can't imagine myself right now.
"Were you eavesdropping huh?!" galit nitong tanong sa'kin.
"Teka lang naman miss," hinawakan ko ang mga kamay nitong nakahigit parin sa suot kong shirt. Masyadong mahigpit ang hawak nya, nasasakal na ako. "Hoy ano ba! Bitaw!" sigaw ko sa kanya.
"Who are you?" sa pagkakataong to hindi na pasigaw ang tanong nya at unti-unting lumuluwag ang hawak nya sa'kin.
"Ano ba, kung iniisip mong may masama akong balak sa'yo, nagkakamali ka, bitaw!" mabilis naman 'tong umalis sa ibabaw ko at malaya na akong bumangon. Aish, sakit ng likod ko, masyadong mabilis ang reflexes ng babaeng to ah diko namalayan na tumilapon na ako sa sipa nya sa tiyan ko. Ang sakit na nga ng katawan ko sa pagsasayaw nadagdagan pa.
Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nya, pero ramdam ko ang masamang tingin neto sakin.
"Bakit kaba kasi nakikinig sa usapan nang may usapan?" tanong nito sa'kin.
"Excuse me lang miss ha, una, hindi ako nakikinig sa usapan nang may usapan. Pangalawa, wala akong interes sa pinag-uusapan nyo. Pangatlo, akala ko multo ka!" sagot ko sa kanya habang inaayos ang nagusot ko na tshirt.
Tumawa ito ng pagak, "Do I look like a ghost to you?" she seemed amused, "Ahh, akala mo ako yung Anabelle ng Arts and Social Sciences building huh?" at binanggit na nya yung multo ng building namin konti nalang hahagalpak na sa tawa pero she contained it in a grin.
"Sino ba namang di iisipin yun kung may sudden whispers kang maririnig sa palagid mo tapos patay pa mga ilaw," naiinis ko nang sagot sa kanya.
"I was just talking to.." may babanggitin sa itong salita pero hindi nya tinuloy ".. someone." Then her cold stare went back.
"Whatever," kinuha ko nalang bag ko at tinalikuran sya. I don't even want to know who she is.
"Be careful on your way home, Elizalde," I stopped walkig upon hearing those words from her. Nilingon ko sya bigla at nakita kong naglalakad na rin sya sa opposite direction ko.
"How come you know me?" tanong ko at alam ko na narinig nya ito dahil tumigil din sya sa paglalakad at sumagot.
"I just do." Tanging sagot nya at naglakad na palayo sa akin.
"Hoy di porket sinabi kong hihintayin kita eh uubusin mo na oras ko," pagkalingon ko nakita ko si Jimin sa dulo ng hallway, lumingon ako sa likod ko at di ko na sya nakita pa.
"Stan!" naiinip nitong sigaw sakin.
"Ayan na!" tinakbo ko na ang hallway, hanggang sa makasakay nakami sa kotse nya ay di parin mawala sa isip ko yung babaeng yun, first her reflexes na nagpatumba sakin, hindi na talaga babanggitin kahit kanino yung nangyari ngayong gabi. Second, she knows me. Who is she? I can remember her grin and half of her face pero diko talaga sya makilala.
BINABASA MO ANG
Lighthouse
FanfictionA lighthouse is a tower containing a powerful flashing lamp that is built on the coast or on a small island. Lighthouses are used to guide ships or to warn them of danger. That is what google told me when I ask what a lighthouse is. But Cupid on t...