Tula #20

172 1 0
                                    

Sa pagbuklat ko sa sumunod na pahina
Sumabay ang pagpatak ng aking mga luha
Inaalala ang dati nating pinagsamahan
Na unti-unti na niyang pinapalitan

Hindi ko inasahang aabot tayo sa puntong ganito
Kung saan mas minahal ko siya kaysa sayo
Siya na ang bumubuo sa araw ko
Siya na ang nagpapasigla ng mundo ko

Presensya mo ay tila ba nawaglit
Tulad ng ulang nagmula sa langit
At pumatak sa kalupaan
Pinagsisihan ang bawat nakaraan

Ngayon na mas mahal na niya ako
Ikaw naman ang nakatitig sakin sa malayo
Umaasang babalik pa ako sayo
Ngunit mas pipiliin ko na ang lumayo

Lumayo sa sakit na dulot mo
Lumimot sa nararamdaman ng puso
Tumakas sa alaala na aking binuo
Alaala na akala ko may tayo

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon