Chapter 1

766 10 1
                                    

“Julia, bilisan mo na!”sigaw ng kanyang kuya JM na nasa likod ng pinto. “Kanina pa naghihintay si Sam,” dagdag pa nito.

“Wait lang nga!” may halong pagkairita na sabi niya. Pano ba naman eh kanina pa siya tinatawag ng mga tao sa baba, atsaka maaga pa naman.

Pagkatapos makapagayos at masiguradong maganda na siyang tingnan, tinahak na ni Julia ang hagdan patungo sa unang palapag ng kanilang bahay. Sinalubong siya ng ngiti ni Sam,

“Ba’t ang aga mo?” casual niyang tanong rito.

“Ah eh… sabi mo agahan ko,” paliwanag nito.

“Ang sabi ko mga 8 ka pumunta dito, eh 7:30 pa lang naman,” panenermon niya rito na kala mo bay assistant niya ito.

“Sorry.” Napayuko na lamang ito, “Ako ng magdadala ng mga gamit mo.”

“Mabuti pa nga, oh heto,” iniabot niya rito ang mga dala dala niya. Nagpatiuna na rin siyang lumabas ng bahay.

Si Sam ang nagpresentar na maghahatid sakanya simula ng tumuntong sila ng kolehiyo. Sa iba na kasi itong unibersidad nag-aalar kaya naisipan nitong hatidin nalang siya araw-araw upang kahit papano’y palagi silang magkikita.

“Babe, what time kita susunduin mamaya?” tanong nito ng bumabyahe na sila papunta sa kaniyang paaralan.

Nagkibit-balikat lang siya, tiningnan niya muna yung phone niya bago ibinaling muli ang attenisyon rito, “hindi nalang siguro ako magpapasundo.”

“Huh? Bakit?” nagpalipat-lipat ang tingin nito mula sa kalsada at sakanya.

“May group project kasi kaming gagawin sa bahay ng classmate ko,” paliwanag niya.

“Ganun ba?” nagpatuloy nalang ito sa pagmaneho hanggang sa makarating sila sa kanyang paaralan. Bababa pa sana ito ngunit pinigilan niya ito,

“H'wag kanang bumaba, malalate ka niyan.” Hinalikan niya ito sa pisngi atsaka lumigid palabas ng kotse, “Bye, take care.”

Pagkababa'y dumiretso na siya sakanyang klase. Nagulat siya ng may makita siyang bulaklak sa kanyang upuan, kinuha niya ito, at hindi niya napigilang mangiti ng makita niya kung kanino ito galing.

“Thank you,” bulong ng isang pamilyar na boses malapit sakanyang tenga.

“For?” nangigiting tanong niya bago niya ito hinarap.

“For lighting up my world…”

Pabiro niyang hinampas dito ang hawak na bulaklak at hindi niya rin napigilan ang mamula, “napakamambobola mo talaga Daniel.”

Hinagkan nito ang kanyang ang pisngi habang niyayapos siya, “I love you.”

“I can’t say it back.”

Napaatras ito at sumimangot din na parang bata, “Why not?”

“I’m committed.” Itinaas niya pa rito ang suot-suot na singsing.

“That’s not an engagement ring,” komento nito bago bumitaw ng isang tawa, “Ikaw magpatali sakanya?”

“Shut up. I love Sam.” Bigla siyang sumeryoso.

“No you don’t.” Mas lumapit ito habang sinasabi iyon, “Mahal mo ang mga ginagawa niya para sayo.”

Umiling nalang siya bago naupo ng makita niyang pumasok na ang kanilang professor. Naupo na rin si Daniel sa kanyang tabi.

Manliligaw niya ito, at isa rin sa mga barkada ni Sam kaya alam rin nito kung gaano kamahal nito ang nobya.

Matagal na nitong inamin sakanya ang nararamdan ngunit hindi niya makuhang ipagpalit rito si Sam dahil marami na sila nitong pinagsamahan at siguro’y hindi niya alam kung kayang gawin ni Daniel ang mga pinagagawa niya rito.

SUMAKAY siya sa kotse nito ng hapon ding iyon. Ang paalam niya kay Sam ay may group project siyang gagawin ngunit pawang kasinungalingan lamang iyon dahil ang totoo’y pupunta siya sa bahay ni Daniel. Nang makarating, ay pinarada na nito ang kotse sa harap ng tarangkahan nila. Pinagbuksan siya nito ng pinto at pagkatapos ay bumaba na siya.

Pumasok na silang dalawa. Ito lang ang nakatira dito dahil ang mga magulang nito’y nasa ibang bansa na at balita niya’y susunod rin ito sa mga ito pagkatapos ng graduation.

“We’re here,” Sabi nito pagkapindot ng switch ng ilaw.

Ngumiti siya at naupo sa sofa, “Comfy.” Komento niya.

“Much better sa condo ni Sam?” tinabihan siya nito at ipinatong ang kamay sa itaas ng sofa.

“Not even,” tumawa siya, “don’t worry, hindi naman tirahan ang tinitingnan ko sa isang lalaki.”

“I’m glad,” inilapit nito ang mukha sakanya.

Nahiga siya habang dahan-dahan niya itong hinihila paibabaw sakanya, kapagkuwan ay hinalikan niya ito. Naging mapusok ang ibinalik nitong halik at dahan-dahan din nitong ipinasok ang dila sakanyang bibig. Ilang minuto ring naglaro ang kanilang mga dila habang ang kanyang kamay nama'y patuloy na humahaplos sa leeg nito patungo sa ilalim ng t-shirt nito.

Kumalas siya sa halik nito at tinangkang makalanghap ng hangin ngunit agad nitong ibinalik ang mga labi sakanya na puno ng pananabik. Naramdaman niya ang patuloy na paghaplos nito sakanyang mahahabang biyas kaya hindi niya napigilan ang mapaungol sa gitna ng kanilang halik.

Mumunting halik ang itinanim nito sa kanyang punong-taenga patungo sakanyang leeg. Sumikip ang daloy ng hangin sa kanyang dibdib at halos hindi na siya makahinga, bumitaw siya ng isang malakas na ungol ng madama niya mga palad nito na papalapit na sakanyang pagkababae.

“Daniel…” nanghihinang sambit niya ng dahan-dahan nitong ipinasok ang mga daliri sakanya. Nanghihina ang kanyang katawan kaya pinabayaan niya na itong magmaniobra. Hindi niya na magawang itulak papalayo ito at ayaw rin niyang gawin iyon ngunit andoon pa rin ang boses sa likod ng kanyang utak na nagsasabing bawal itong ginagawa nila.

Nang marinig niya ang tunog ng pagkalas ng sinturon nito, doon siya biglang natauhan. Nanghihina man ay nagawa niya pa ring makaupo, “Daniel, tama--”

Bago pa siya makapagprotesta ay hinagkan muli nito ang kanyang mga labi, muli siyang nanghina. Ipinatong niya ang mga kamay sa dibdib nito upang tangkaing tulakin ito ngunit iba ang naging aksiyon niya, mas hinila niya pa ito papalapit kaysa tulakin papalayo.

Wala na siya sakanyang pagkatao. Hindi na siya makaisip ng tuwid dahil sa kakaibang sensasyon na kanyang nararamdaman. Bibigay na sana siya sakanyang nararamdaman ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Natigil silang pareho sa tunog na iyon, kumaripas din siya ng tayo at walang anumay tinahak niya ang papalabas ng pinto.

“Julia!”

Hinabol siya ni Daniel ngunit agad siyang nakakuha ng taxi, sapat na upang makalayo siya rito. Patuloy parin ang pagtunog ng kanyang telepono ngunit hindi niya makuha itong sagutin dahil alam niya kung sino ito. At tanging pagkabog ng kanyang dibdib ang kanyang naririnig. Nagiguilty siya.

I’m so sorry Sam…

Chasing WindmillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon