One Shot

3 1 0
                                    

Nakatayo ako ngayon sa may pintuan ng simbahan, unti unti akong naglalakad palapit sayo.  Pero nang nasa gitna na ako ay saglit akong huminto nang may maalala ako.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Everly tara sa amusement park?"
Nakangiti niyang tanong habang ang isang kamay niya ay nakalahad. Iniabot ko yung kamay ko, agad niya itong tinanggap at hinila para mayakap ako. Idinantay niya yung labi niya sa ulo ko nang ilang minuto, bago bumulong.
"Baby, sana tanggapin mo padin ako kahit na nakagawa ako nang kasalanan sayo"
Tumingala ako para tignan siya, yung mata niya, ang lungkot. Umiling ako sa kanya, tska ngumiti.
"Leben look, six years na tayo, kung ano man yan pwede nating pag usapan bukas, just not now baby. It's our anniversary, let's enjoy this day"
Nang makarating kami sa amusement park, agad kaming nag try ng ilang rides, and we enjoyed it. Kung ano man yung sinasabi niya kanina parang wala akong makitang dahilan para sabihin niya yung mga yun. Were fine, were happy. Actually nag pla plano na kaming magpa kasal. Kung ano man ang mang yari alam kong malalagpasan namin yun kasi mahal na mahal namin yung isat isa.
"Baby tara sa ferris wheel"
"Sure para prinsesa ko, tara!"
Habang nakapila kami, paulit ulit niyang sinasabi kung gaaano niya ko kamahal. Kung gaaano siya kasaya na makilala ako. Ganun padin kahit na nung makasakay na kami sa ferris wheel. Pati hanggang sa maka uwi kami.
~*~*~*~*~*~*~*
Tinuloy ko yung pag lalakad ko, palapit sayo. Paulit ulit mong pinag kikiskis yung palad mo, para maibsan yung kaba mo. Pero kahit ganun pa man. Alam kong masaya ka. Hanggang sa unting unting pumatak yung mga luhang sumisimbolo kung gaano ka kasaya. Nang tuluyan na akong nakalapit sayo, itinaas ko yung kamay ko para mahawakan ko yung mukha mo. At naalala ko ulit yun.
~*~*~*~*
Pumunta ako sa condo niya para sana, ibigay yung regalo ko, hindi ko kasi naibigay, kanina. Tuloy tuloy akong pumasok, hanggang sa makarating ako sa kwarto niya, huminto muna ako sa haligi ng pintuan, dahil bukas naman iyon. May kausap siya sa cellphone, nag tatalo sila.
"Doreen, wag mo naman akong minamadali! At pwede ba wag mong paulit ulit na ipinaalala na may nangyari sating dalawa. Hindi madali sakin to! I lied to her! Sabi ko pupunta ako sa birthday party ng OIC natin, hindi ko naman inakala na may mang yayari! Me and Everly, we been together for six years. And she still has a place in my heart. Give me time to clear my feelings, ayaw ko sumugal. Baka magkamali ako, at pag nangyari yun baka wala na akong balikan"
~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Everly, I'm sorry baby, I'm sorry. I love you, but still I'm sorry"
Minulat ko yung mata ko para tignan ka. Nakahawak padin yung kamay ko sa mukha mo, pinipilit kong punasan yung mga luha mo pero hindi ko magawa. Dahil sa tuwing papahidin ko, tumatagos yung kamay ko sayo.
"I know you're here, please forgive me"

Un Chained Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon