Dear Crush (One shot)

5.6K 279 60
                                    

Dear Crush

Nakita kita sa canteen kanina. Mukhang ang saya mo ha? Nakikipagtawanan ka sa mga barkada mo. Sana happy ka lagi! :)

Dear Crush

Ang gwapo mo talaga, tinitingnan kita pero nakatingin ka lang sa cellphone mo.. Anu kaya number mo?!

Dear Crush

Papunta ako ng library, nag mamadali ako kasi malapit ng mag out ang librarian. Naglalakad ako ng mabilis at ikaw naman tumatakbo. Nabangga mo ako at nahulog ang mga libro ko. Tinulungan mo ako at sabi mo " SORRY " pero dahil nastarstruck ako di ako nakapag thank you!! Hay!!

Dear Crush

Kapitbahay pala tayo? Di ko alam kasi homebody ako.. Aabangan na kita araw araw sa my bintana namin.. Hihihi

Dear Crush

My kasama kang girl sa labas ng bahay niyo.. Kapatid mo ba siya or pinsan mo?!

Dear Crush

Narinig ko ang usapan niyo ng mga barkada mo. My girlfriend kana pala?! Ouch naman! :(

Dear Crush

Lagi na kitang nakikita na kasama ang girlfriend mo.. Dahil mahal kita susuportahan kita! :)

Dear Crush

Bakit ang lungkot mo ngayon? Anung nangyari sayo? Teka nga pala, asan ang girlfriend? Di kasi kayo magkasama ngayon..

Dear Crush

Ikaw pala si King? Paano ko nalaman name mo? Narinig ko lang nung tinawag ka ng friend mo.. Btw, my name is Quennie, your future Queen! :)

Dear Crush

Balita ko break na kayo ng girlfriend mo?! Masaya ako na malungkot.. Masaya kasi my pag asa na maging tayo at malungkot kasi nasasaktan ka.. :( Sakin ka na lang promise di kita sasaktan!

Dear Crush

Nasa garden ako at nandun karin umiiyak.. Di mo alam na my ibang tao dun maliban sayo. Di na ako nakatiis at lumapit na ako sayo. Nagulat kapa nung mag bigay ako ng panyo sayo. Sabi mo " Thank you" at tumango lang ako saka umalis.. Ang tanga ko diba? Ayun na sana yung chance na makausap ka kaso mas pinili ko na bigyan ka ng privacy kesa istorbohin kita..

Dear Crush

Mukhang masaya kana ulit. Nakikipagtawanan kana ulit sa mga kabarkada mo. Naka move on kana ba sa ex mo?

Dear Crush

Mag isa ka ngayon sa tambayan niyo.. Nasaan ang mga barkada mo? Lumapit ako sayo at sinabi ko na mahal kita. Napatingin ka sakin na my lungkot sa mga mata.. Akala ko ayaw mo sakin kaya umalis na lang ako dun.. Ayaw ko marinig ang pangrereject mo sakin..

Dear Crush

Hindi na kita nakita simula nung araw na nagtapat ako sayo.. Hiyang hiya ka ba sa ginawa ko? Pasensiya na mahal lang talaga kita kaya ko nagawa yun..

Dear Crush

Wala ng nakatira sa bahay niyo. Lumipat ba kayo? Sayang, sana pala hiningi ko ang number mo! Hay bobo!!

Dear Crush

Nabalitaan ko sa kabarkada mo na umalis na pala kayo ng Pinas mismo nung araw na nagtapat ako sayo.. Hays! Sana pala kinausap na lang kita. Sana pala nag stay pa ako dun ng matagal sa tabi mo.. Bakit di mo kasi sinabi sa akin na aalis kana pala that day? Sana naibigay ko sayo ang number ko.. Ang daming SANA na pwedeng mangyari dapat..

Dear Crush

Kamusta kana kaya? Dalawang taon na ang nakalipas mula nung umalis ka.. Graduate na ako ng college at hanggang ngayon NBSB parin ako.. Gusto ko kasi ikaw ang maging first and last boyfriend ko kung maaari..Nasaan kana kaya ngayon? Single ka parin kaya? Sana!

Dear Crush

My trabaho na ako! Sa isang sikat na advertising company ako nag wowork. Secretary ako dun at maganda naman ang work ko.. Sana one of these days magcross naman ang landas natin.. Ipagdadasal ko yan ky Lord! Miss na miss na kita eh.. Naaalala mo pa kaya ako?!

Dear Crush

Nirerenovate pala ang dati niyong bahay.. Sino kaya ang magiging bago kong kapitbahay?! Huwag kang mag alala faithful ako sayo kahit gaano pa kagwapo ang magiging kapitbahay ko.. :)

Dear Crush

Pag dating ko sa bahay my bisita pala akong naghihintay.. Sino naman kaya itong mister na to?! Pag harap niya sa akin napanganga ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. Nananaginip lang ba ako o totoong nasa harap kita?! Kinurot ko ang sarili ko kasi baka tulog ako pero nasaktan ako kaya alam kong totoo ito.. Ang lakas ko talaga ky Lord, imagine nagkita din tayo at pumunta kapa sa bahay ko! Teka nga pala, panu mo nalaman na ito ang bahay ko?!

Dear Crush

Sinabi mo sa akin ang lahat lahat.. Inamin mo na mahal mo din ako mula nung binigyan kita ng panyo nung umiiyak ka.. Buti na lang pala my panyo akong dala nung araw na yun.. Thank you sa panyo!

Dear Crush

Ang saya saya ko. Sa wakas natupad narin ang hiling ko na maging tayo. Kayo parin pala ang nakatira jan sa bahay niyo?! Buti nalang di kami lumipat ng bahay..

Dear Crush

Pumunta kayo sa bahay para mamanhikan.. Alam mo ba na sobrang saya ko ngayon? Nakilala ko din buong angkan mo at mahal nila ako.. Kaya crush na boyfriend ko, handa kana ba sa kasal natin? Kasi ako handang handa na! :)

Dear Crush

This is it! Our big day! Umiiyak ako hindi dahil sinaktan mo ako, umiiyak ako kasi sobrang saya ko. Finally, ang ultimate crush ko ikakasal na sa akin..

Dear Crush

Kahit kasal na tayo ikaw parin ang ultimate crush ko!!

-The End-

A/N:

Please vote and comment! Thanks!

Book cover by @LadyPaige. Thank you so much! :)

Dear Crush (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon