"Girl, ano pang ina-antay mo? Lapitan mo na!" Sigaw ni Maristelle ang kaklase ko.
Na gumawa ng dare sa akin, hindi naman talaga ako sasali sa laro nila pero lubhang mapilit kaya napasali na lang ako, hindi naman din kasi ako KJ 'no! Saka wala naman akong ginagawa, absent kasi yung kaisa-isa kong bestfriend, kaibigan, tapos wala pa kaming klase kaya nga nandito kami sa fields 'eh.
At ang dare niya sa akin ay sabihan ng 'I love you' ang lalaking makikita kong naka-black backpack. As in yung black daw talaga walang halong keme na kulay.
Dahil lahat ng nakikita ko puro may halo, tinutulungan na nila akong maghanap para daw matapos na at makapag-umpisa kami ulit.
Sana lang talaga, mabait yung masasabihan ko ng 'I love you' at ignorin niya lang yun. Isipin niya na lang sana na trip lang yun.
Dahil may nakita si Maristelle kailangan ko nang lapitan. Tinignan ko muna sila bago ko tuluyang agawin ang pansin nung lalaki.
Nag thumbs lang sila sa akin. I guess this is it! Fighting, dare lang naman 'to eh.
"Kuya!" Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito kaagad. Walang ano-ano'y binigkas ko na agad ang aking pakay.
Namilog naman ang kaniyang mga mata. Teka? Bakit parang familiar yung mata niya? Parang parehas kami?
"Isabella Shouri Diaz!" Omg! Bakit ngayon ko lang napansin na si Kuya pala 'to? Shet.
Tumalikod ako at tatakbo na sana palayo pero huli na. Huhuhu, hinarangan niya kasi ang dadaanan ko.
"Mag-uusap tayo mamaya!" Galit na sabi niya. Ow! Huhuhu.
"Kuya—"
"I said, mamaya!" Umalis na siya kaya naiwan akong tulala dito. Bigla namang nagsi-lapitan yung mga kaklase ko.
"Napagalitan ka?" Nag-aalalang tanong ni Maristelle.
Pekeng ngiti na lamang ang isinagot ko.
"Tara na, laro na ulit!" Pag-iiba ko ng topic. Buti na lang at epektib dahil hindi na nila ako tinanong pa.