By: DanielleBihasa :)
---
Pagkakaiba ng Tabloid at Broadsheet:
Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng dalawa sa size. Karaniwang mas malaki ang broadsheet.
Isa pang kapansin-pansing pagkakabia ng dalawa ay sa pagpili ng istorya. Kadalasang mas seryoso o mas mabigat ang pagkakasulat sa mga balita sa mga broadsheet dahil sa mas marami ang espasyo nito. Dahil dito, mas maraming impomasyon ang maaring ilagay dito.
Karaniwang sensationalized din ang mga balita sa mga tabloid at dahil dito mas mababa ang kanilang kredibilidad.
Komiks - ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga at ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Bahagi ng Komiks:
a. ) Kahon ng Salaysay ⇒ sinusulatan ng mga maikling salaysay tungkol sa tagpo.
b. ) Pamagat ⇒ Pamagat ng komiks , pangalan ng komiks
c. ) Lobo ng usapan ⇒ Kinasusulatan ng usapan ng mga tauhan. May Ibat't ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.
d. ) Kuwadro ⇒ Naglalaman ng isang tagpo sa kwento (Frame)
e. ) Larawang guhit ng mga tauhan sa kwento ⇒ mga guhit ng tauhan na binibigyan ng kwento.
Dagli:
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na lumaganap noong panahon ng pananakop ng Amerikano.
Sinasabing ang dagli ay nagsimula noong 1900s at nagmula sa angyong pasingaw at diga. Ang dagli ay kinakailangang hindi umabot sa haba ng isang maikling kwento.
Sa kasalukuyan, ito ay ang inihahambing sa tulang-tuluyan at micro-fiction sa Ingles.
Kontemporaryong Panradyo:
-ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin.Dokumentaryong Pantelebisyon:
Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
Mga Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula:
1. Sequence iskrip – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula. Dito makikita ang layunin ng kuwento.
2. Sinematograpiya –Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.
3. Tunog at musika –Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood.
IBA PANG ELEMENTO:
a. Pananaliksik o riserts – Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
BINABASA MO ANG
School Reviewers
RandomA compilation of Reviewers made by the students of Grade 8-Mendel S.Y. 2017-2018.