Naranasan mo na ba yung sabihin sa’yo na nasa’yo na lahat ng hinahanap nya sa isang babae pero hindi ka nya magawang mahalin?
O kaya sabihin sa’yo na sana ikaw na lang sya?
E yung ikaw ang laging nandyan sa tabi nya, pero hindi ka nya nakikita? Yung ikaw ang gumagawa ng lahat ng paraan para maging masaya lang sya ulit pero parang balewala lang sa kanya?
O di kaya naman ay sasabihin sa’yo na na-aappreciate nya ang lahat ng ginagawa mo para sa kanya, pero bakit wala pa rin? Bakit hindi ka pa rin nya kayang mahalin?
Kulang pa ba ang lahat? Nakadilat naman ang mga mata nya pero bakit hindi nya nakikitang kapakanan nya ang lagi mong inuuna?
Ano yun?! Nananamantala lang? Nagbubulag-bulagan? O nakikita naman nya ang lahat, talaga lang hindi ka nya feel?
E kung ganun pala, bakit ka nya pinapaasa? Alam naman nya na isang ngiti nya lang bumibigay ka na. Bakit sa tuwing nanaisin mo ng lumayo ay saka naman heto sya at tila naglalambing?
Alam nya siguro, no? Alam nya na kahit hindi ka nya mahalin ay hindi mo sya kayang tiisin? E bakit nga ba? Nag-iisa ba sya sa mundo? Guguho ba ang mundo mo pag nawala sya?
O ‘wag mong sabihin sa’kin na sya ang mundo mo? Mahirap yan! Yung sa kanya mo pinapaikot ang buhay mo samantalang sya ay nabubuhay sa ibang mundo.
Bakit kasi nagkasya ka na sa tira-tirang atensyon na ibinibigay nya sa’yo? Bakit kasi pumayag ka na maging clown ka lang nya pag malungkot sya? Entertainer pag nababagot sya o di kaya naman ay guidance counsellor pag may problema sya? Pero hindi kailanman ang babaeng laman ng puso nya?
Minsan ba naisip mo na…
“Sana ako na lang?”
“Ako na lang sana ang minahal mo?”