CHAPTER 28

563 33 6
                                    


NICHOLAS' POV

Nasusuka ako habang nakatingin pa rin sa babae kanina. Di ko na kasi magalaw ang mga paa ko, dahil na rin siguro sa nerbyos? Gulat? Takot? Ay basta! Nagkahalo-halo na. Letsheng mga paa'ng 'to.

Kung tatanungin nyo ko sa aking nakita? Nako, baka mandiri lang kayo. Akala ko kasi, tulog lang siya pero hindi pala. Nakalugay ang kanyang buhok. May bangs pala siya, di ko napansin na nakatabun sa kanyang mukha. So, hinawi ko ito. Pero pag kakita ko sa mukha nya, para siyang minurder, as in grabe >.<.

Hindi ko na makilala ang mukha niya. Nakalabas ang kanyang isang mata, at yung isa naman parang inukit pa. Yung kanyang ilong na parang ilang beses binugbog na may maraming uod, ang kanyang bibig na nakabuka pero ang mga ngipin niyang parang marahas na hinila at putol ang kanyang dila na nababahiran ng iilang dugo.  Brutal. Brutal ang kanyang pagpatay. Siguro ilang araw na itong andito kaya inuuod na siya.

Ang kanyang pisngi na namumutla na, makikita mo na nga ang kanyang buto, cheekbones ba tawag do'n? Ang kanyang kamay naman ay nakagapos gamit ang plastic. Wala siyang sapin sa paa. Namumutla na talaga sya. I wonder kung sino ang may gawa nito. Baka naman si Malucia o di kaya ang mga manika? Grabe talaga ang pagpatay, brutal.

Sa wakas, naigalaw ko na rin ang aking paa. Ngunit nakarinig naman ako ng mga kaluskos sa paligid. Parang may darating kaya naman nagtago ako sa isa sa mga puno, pero ito'y malaki kaya sigurado akong di nila ang makikita.

"Ang sarap ng kain natin! Sana gano'n din bukas! Hahaha", tawa ng isang manika. Bakit ko nasabing mga manika? Nakita ko eh ^_^
" Buti nalang sinabi ng tao na may darating! Ano kayang kapangyarihan ang ginamit ni Reyna para mapasunod yung tao?", nakahawak pa sa kanyang chin, nag-iisip.

Nakakatakot sila actually. Sa physical, ugali at tsaka sa gawa. Nangangain din pala sila. And now, sino kaya yung kanilang pinag-uusapan na tao?

"Aba ewan ko, basta ang sarap ng mamamangkang iyon! Hahaha", sagot ng isa tsaka umalis na sila. Mamamangka.. Anong araw ba ngayon?.. Hala! Myerkules! Baka si Manong Bangkero ang kanilang tinutukoy!

Napa-face palm nalang ako. Pa'no pag si Manong talaga yun? Pa'no na kami makakalabas sa impyernong lugar na 'to? Babalik na nga lang ako sa bahay. Baka kung ano nang nangyari sa kanila ni Cathy do'n eh.

MR. GILBERTO'S POV

Hahahahahahaha.. Sa wakas. Na solo ko na rin ang isa sa kanila. Ano ba! Wag mo nga akong pangunahan! Hahahaha.. Nilock ko ang pinto. Nakatingin pa rin siya sa butas, nakadungaw kung ano nang nangyayari sa kanyang kaibigan at sa mga manika. Hahahahahaaha..

Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ang kanyang braso, hinahaplos. Nabigla siya. Lalayo na sana siya ng marahas ko siya itinulak sa dingding. Tumama ang kanyang ulo kaya naman nawalan siya ng malay. Waaaahhhh!!! Ba't natutulog siya! Magsasaya pa kami!
Niyugyog ko siya pero di siya gumising. Hinalikan ko siya ng marahas pero di man lang siya gumalaw. Sinakal ko siya, wala pa rin.

Ano ba! Ano'ng gagawin ko dito?! Ha? Tama? Ahm teka, pag-iisipan ko. Kinuha ko ang kutsilyo sa gilid ng lamesa. Tapos? Ano ng susunod kong gagawin? Isaksak ko sa kanya? Hahahahaha.. Oo na, wag ka ngang atat hahahaha..

Agad ko siyang sinaksak ng ilang beses. Ang saya! hahahahahahaha
.. Gusto mo din ba ng dugo? Ano ka ba! Ang pula kaya!.. Hahahahaha..
Tsaka ako lumabas ng bahay. Pero habang lumalayo ako, parang may nakasunod sa akin. Di ko nalang pinansin. Baka kasi makikipaglaro pa sa'kin eh. Di naman ako namamansin hahahahaha..

Pero nawala ang aking ngisi ng may tumama sa bandang puso ko. Isang manika ang naaaninag ko sa malayo, may dalang kutsilyo. Isang kutsilyo ang tumama sa'kin. Ngumisi siya.

At nawalan na ako ng ulirat.

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon