CHAPTER TEN
"MADAM, wala ka bang balak mag-dinner?" tanong ni Eric pagkatapos ilapag sa harapan ko ang mga papeles na aking pipirmahan.
"Mamaya na lang," sagot ko na hindi man lang nag-abalang mag-angat ng mukha habang patuloy na nakatutok sa monitor ng computer. "Hindi pa ako nagugutom."
"Iyan din ang sinabi mo sa akin kanina."
Hindi ako kumibo na tila walang narinig.
"Madam, magmula kaninang tanghali ay wala naman kinain. Puro na lang kape ang laman ng tiyan mo."
"Kung nagugutom ka, then go! Wala naman sa akin ang pagkain mo."
"Echosera!" mahina niyang sabi pero nakarating pa rin sa aking pandinig. Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nagkakandahaba ang kanyang nguso. "Ah, basta magpapadeliver ako ng dinner. Kailangan mo pa rin kumain or else--"
"Or else what?" Naka-angat ang kilay na baling ko sa kanya.
"Ako na lang ang kakain ng share mo," aniya sabay irap at saka nagmamadaling lumabas ng pinto. Subalit wala pang ilang segundo nang muli siyang sumilip sa pintuan. "Madam, sa'yo ko nga pala icha-charge ang delivery." Iyon lang at muli siyang nawala sa paningin ko.
Napailing lang ako at bahagyang napangiti. He never failed to enlighten my mood. It's really good to have him around.
Tangkang tatayo upang magtungo ng restroom nang biglang nagdilim ang paningin ko. Muntikan na akong mabuwal kung hindi ako nakakapit agad sa armrest ng swivel chair. Argh! My vertigo strikes again.
Marahan akong bumalik sa kinauupuan. Hindi ko na siguro kailangan uminom ng gamot. Ilang minuto na pahinga lang, magiging okay din ako.
Pagmulat ko ng mga mata, bumalik na sa normal ang paningin ko. Bagaman medyo nahihilo pa rin ako, marami pa akong dapat tapusin na trabaho na hindi puwedeng ipagpabukas.
"Madam, don't overwork yourself because you're not wonderwoman," wika ni Eric mula sa intercom. "Dali, lumabas ka d'yan at kumain na tayo. Dumating na 'yung pina-deliver ko." Kung makapagsalita siya ay parang siya ang boss sa aming dalawa.
Well, I'm back to my old self again. Iyon palaging nakasubsob sa trabaho at pagdating sa bahay ay trabaho pa rin ang inaatupag. I used to be like this since Jella's death. Ito lang kasi ang paraan ko upang maipagpatuloy ang aking buhay nang wala siya. A part of me died when she left. She's the only family I had, actually silang dalawa ni Danica.
But now I need to leave Danica to her 'family'. But it doesn't mean I gave up on her. Ginawa ko lang ang mas makakabuti sa kanya kahit na ang maging kapalit n'yon ay pagkakalayo namin dalawa. It's been two weeks since I came back from Dipolog. At aaminin ko na may bahagi ng sarili ko ang tila naiwan doon.
Maraming bagay akong nami-miss, kasama na ang mga pasaway kong mga 'kapatid'. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang maalala si Clyde. Masungit at bugnutin pa rin kaya siya ngayon wala na ako roon?
Tsk! Bakit ko ba siya biglang naisip? Mabilis kong pinilig ang ulo.
"Hi!" Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa pintuan at awtomatikong nalukot ang mukha nang makita kung sino ang bagong dating.
"What brings you here?" I asked in a cold voice. Makita ko lang siya ay nasisira na ang mood ko.
"You know exactly why."
Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib at matapang na sinalubong ang mga mata ni Jimmy.
"Then we have no reason to talk."
BINABASA MO ANG
The Stranger In Me
Storie d'amoreSonnie knew that it's hard to pretend to be someone you're not... Especially as her own sister. Identical twin man silang dalawa ni Jellla, hindi iyon sapat para akuin niya ang buhay na iniwanan nito. Subalit ang magpanggap lamang ang tanging paraan...