Humakbang ako papalapit sayo
Nakita ko ang mga ngiti mo
Tanda ba iyon na namiss mo ako?
O umaasa na naman ako?Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman
Hindi mo na yata ako kailangan
Pinagsiksikan ko naman ba ang sarili ko?
Siguro nga nagpadala lang ako sa ilusyon ng pusoNakita ko ang mga ngiti mo mula sa malayo
Tila ba may iba kang kinatagpo
Ito na ba ang puntong papalayain kita?
Teka! Hindi ko pa pala kayaAyoko munang itigil ang nararamdaman ko sayo
Kaya pa naman ng puso ko
Kaya ko pang sumugal
Kaya ko pang magmahalOo, nandyan na siya
Pero iba pa rin ang dulot mong saya
Oo, hindi niya ako sasaktan
Pero hindi ka niya kayang palitan
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoetryTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...