"Ven ano ba! Ayoko nga pumasok jan! kayo na lang!" Kasalukuyan kaming naghihilahan ni Ven sa tapat ng bahay ni... ano bang pangalan nun? basta ni book-stealer/ putok ulo/ hambog
"bakit ba ayaw mong pumasok? Arte arte mo naman, sumama ka na nga dito ayay mo pa pumasok!"
"sapilitan niyo kong sinakay sa motor tapos ngayon sisisihin mo ko! Ayoko naman talagang sumama diba?!"
"Bakit ba kasi ayaw mong sumama? wala namang monster dito sa bahay namin."
Napalingon kami ni Ven sa nagsalita, si hambog pala. Nakapagpalit na siya ng damit. Hindi naman ako nakaimik sa tanong niya kaya si Ven na lang ang sumagot.
"Pano kasi dude, galit sayo tong kaibigan ko, ang tawag nga sayo niyan ham----omph!"
hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil tinakpan ko na yung bibig niya.
"Ham?" -Jhozua
"Oo ham! Nagugutom na ko!"
"Yun naman pala eh! Wag ka magalala, madaming pagkain dito wala nga lang ham"
"Yun oh! Ano tara na??" aya sakin ni Ven habang kinakaladkad na ko sa loob. Pagpasok namin sa pinto, naabutan na namin si Chris na kumakain ng donut. Ang takaw talaga! Kaya pala bigla na lang nawala.
"Kanina pa kayo?" tanong niya.
"Oo, epal kasi to si Negra, ayaw pa pumasok dito. alam mo na, galit kasi kay... haha!"
"kanino siya galit?" nakapasok na pala si hambog kasunod namin.
"Galit siya sayo tol!" wah! bat ang dal dal ni Chris. Epekto ba yan ng donut?
"Teka, dahil ba yun dun sa... libro? Ikaw yun diba? Tama ikaw nga yun. Kanina ko pa iniisip kung san kita nakita. At yung shota mo, eto si
Chris diba?"
"WAHAHAHAHA!!" -Ven, Chris, ako
"Anong nakakatawa?"
"Hindi ko shota yang negrang yan noh!" sabi ni Chris
"Anong feeling mo gusto ko magka boypren ng baboy!?"
"Ang laswa dude! Di sila pwede, para mo na ding sinabing pwede maging magshota ang magkapatid haha!" -ven
"So hindi kayo?"
"NEVER!" kaming tatlo
"Sinabi ko lang sayo yun para hindi ka magalit at wag mo ng patulan tong negrang to." -chris
"ok gets. So the three of you are just friends?"
"Oo ang kulit. Teka dude! Uhaw na ko painom naman!"
"Sige kukuha lang ako."
Nang makaalis na si Jhozua, naiwan na lang kaming tatlo.
"Cess ganda ng bahay noh?" sabay siko ni Chris
"Medyo" inikot ko yung tingin ko maganda nga yung bahay, simple lang, malinis.
"Wag ka na magalit dun sa tao cess, mukha namang mabait." -Ven
"Galit ba ko? Abnoy ka din noh, kung galit ako dapat di ko na siya pinatuloy sa bahay!"
"Di ba nung nagkwento ka galit na galit ka!"
"galit ba ko nun?"
"Oo kaya! tanga lang?" -Chris
"Eto oh, inom muna kayo." dumating na si hambog
"Wow juice! sabi ko tubig lang eh!"
"Ok lang yan, madami pa dun sa loob kung gusto mo pa. Dito na kayo maglunch, ano gusto niyong ulam?"