Selene's POV
"Muntikan mo nang mapatay ang kapatid mo, hindi mo pa siya dapat patayin, kailangan pa natin siya"
Hindi pamilyar sa akin yung boses pero kahit di ko kilala kung sino ang nagsasalita ay kinikilabutan ako.
Naglakad pa ko nang kaunti hanggang sa may makita kong dalawang taong naguusap.
"She.Is.Not.My.Sister. I could have killed her if I wanted to but since I still doesn't have a valid reason to do so I didn't"
Si Nicole yung isang nagsasalita, hindi ko kilala kung sino yung kausap niya pero ilang beses ko nang napaginipan ito at hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako nang takot sa kanya.
He looks human but I can feel that he is not.
"She is your mother's daughter, We still need her alive, we need her for our future plans"
Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila, and I don't want to give a damn.
Ayokong iacknowledge yung mga information na sinabi sa akin ni Nicole kahapon, I don't have anything to do with them, I don't want to believe in half-demons, grim reaper and forty six days mission crap and I just want to stop having dreams with that not so human guy in it.
"Ano bang plano mong gawin sa kanya? Why should we keep her alive? She's not even your child, we might have the same mother but she is nothing like me, she's just too... normal, there is nothing special bout her" Nicole
Ayokong nang makinig sa usupan nila pero bakit ganun... Bakit parang interesado ako?
Bakit pakiramdam ko kailangan kong malaman lahat nang pinaguusapan nila? I'm not even suppose to give a damn about them.
"Hindi mo siya katulad, she is not a half demon but we can't call her normal, If she is normal then why is she here?"
Nagkasalubong yung mata namin nung kausap ni Nicole, and I swear sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam nang sobrang takot.
Lumingon si Nicole sa kung saan nakatingin yung kausap niya pero parang hindi niya ako nakita.
"Ano bang sinasabi mo? Imposibleng makapunta siya dito"
Nakatingin pa rin sa mga mata ko yung kausap ni Nicole.
Hindi ako nakikita ni Nicole but I have the feeling na nakikita ako nang kausap niya.
"Interesting. Hindi mo siya nakikita kahit na tinititigan ko sa mga oras na toh ang mga mata niya" Kausap ni Nicole
May kinuha siyang kutsilyo at binato ito sa akin habang nakatingin siya sa mga mata ko.
Tatama na dapat sa kaliwang mata ko yung kutsilyo kaya napapikit ako but the weird thing was walang kutsilyong tumama, nung binuksan ko ang mga mata ko, nakahiga na ko sa kama ko, I'm back in my room. It's just a nightmare, none of it was real.
"Help Elizabeth"
Binuksan ko yung lamp shade ko at nilibot ang mata ko sa buong kwarto pero walang tao.
Maybe I'm just overthinking things, overthinking to the extent that I'm starting to hear voices.
"Stop your sister!"
Napatayo ako sa kama dahil sa takot, Damn! This is insane, mag-isa lang ako dito sa kwarto so who is the one doing the talking?
I don't even have a sister, For heavens sake! I'm an only child, my mother died right after giving birth to me.
"Sino ka ba?! Wait, Am I going insane? Damn! I probably need to speak to a psychologist, there must be something terribly wrong with my mind!" Ako
Tumakbo ako papunta dun sa switch nang ilaw then I turn it on pero kahit na sobrang liwanag na sa kwarto ko, wala pa rin akong taong nakita, This is definitely insane. I'm now hearing voices.