Kabanata 20

214 9 2
                                    

Two or three chapters na lang siguro tapos epilogue na, yey! Makakatapos na ko ng kwento! Huhu T-T Baka maiyak ako, charot.

Pero seryoso, natutuwa talaga ako. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ko sainyo dahil napagtyagaan nyo basahin to. Kaibigan talaga kayo! mwahahaha

--------

<Gabrielle's POV>

Marahan akong kumatok sa pinto ng apartment na tinutuluyan ni Selenara. Wala akong ibang naisip na puntahan tanging sya lang. Isa pa, sa tingin ko ay inaasahan na nyang may ganitong confusion akong mararamdaman bago ko pa malaman at tanggapin yun sa sarili ko kaya alam ko na mauunawaan nya ako. Di ko lubos na naisip kung paano nya nagawang basahin ang kilos ko ng higit pa sa akin.

*toktoktok*

Nagawa ko syang gulatin nang buksan nya ang pinto dahil di nya inaasahan ang pagsulpot ko sa ganitong dis oras ng gabi.

"Gabby.." mahina nyang sabi. "Sorry!" agad syang humingi ng patawad sa akin pero di ko na muna yun pinansin. Hindi yun ang ipinunta ko dito.

Muli ko syang nagulat ng bigla ko syang yakapin "Len, ayoko ng ganito.." ani ko sa pagitan ng mga hikbi. Ang kailangan ko ay ang makikinig sa akin at alam kong tanging si Len ang makakagawa nun.

"Umiiyak ka gabrielle?" tanong nya sa akin.

Di ko sya nagawang imikin kaya pinapasok na lang muna nya ko. "Dito na tayo sa loob mag usap."

-----

"Sorry talaga, girl! Di ko naman ineexpect na ganito ang mangyayari sa pag set up ko sa inyo. Ang gusto ko lang ay---"

"No. You don't need to say sorry. Naintindihan ko na yung gusto mo mangyari. Kasalanan ko lang talaga, kung noon pa lang lumayo na ko di sana magiging ganito. Kung nung una pa lang naisip ko na posibleng mainlove nga ko sa kanya sana hindi ganito kakomplikado." sabi ko.

Napabuntong hininga naman si Len. "Ano na plano mo, friend?"

Ang plano ko? Nandito na naman yung pagkalito sa akin.

"P-plano ko?" nauutal kong sabi

"Dun ka ba sa pinangakuan mo o sa taong kumumpleto ng pagkukulang nung nauna?"

Sa tanong na yun, talagang nagtatalo ang puso at isip ko. Mahal ko si Ralph pero bakit parang nagdadalawang isip ako. May kung ano sa puso ko yung nagtutulak sa akin na dun na ako kay Adrian. Ay, ewan! Gulong gulo na ko. Ang hirap!

"Gabby payo lang, sundin mo puso mo dahil kung yung utak maiipit ka lang sa pangakong binitawan mo."

Ano bang gusto nyang sabihin? Di ko maintindihan, tanging pagkunot ng ulo lang ang naisagot ko sa kanya.

"Siguro nabubulag ka dahil si Ralph ang matagal mo ng kasama, iniisip mo na sya pa rin kasi mula't sapol wala ka ng ibang ginusto kundi sya pero ang totoo iba na." seryosong seryoso nyang sinasabi sa akin to. Sa di malamang dahilan, mas lalong nagbagsakan ang luha sa mata ko. Posible nga kaya ang sinasabi ni Len? Naging bulag na ba talaga ko sa nararamdaman ko?

Umiling iling ako. Mahal ko si Ralph! Sigurado ako dun at papanindigan ko yun.

"Len, naiintindihan ko ang punto mo. Pero hindi eh, palagay ko nadadala lang ako dahil naging malapit din sa akin si Adrian kaya natatakot din akong mawala sya." pangangatwiran ko. "Papanindigan ko ang pangako ko kay Ralph, Len. Yun ang tama, nasisiguro ko yun."

Pagkasabi ko nun binigyan nya na lang ako ng ngiti at tsaka nagsalita "Malaki ka na. May tiwala naman ako sa desisyon mo, friend. Sige na, susuportahan na kita dyan." sabi ni Len at tsaka ako niyakap.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon