Chapter 2

8 0 0
                                    

Cheska's POV

Nubayan umagang-umaga andaming tao dito sa second floor. Ano ba ang nangyari may artista ba? Teka galing sa club room ung commotion. Nakisiksik ako sa kumpulan ng mga estudyante para malaman kung ano ang meron pero pagkarating ko sa loob ng silid gulat ako sa mga nakikita ko. Si..si Miss De Vega...na..nakabigti at puno ng dugo ang katawan??

Hindi ko maipaliwanag pero parang nasusuka ako..at ayun hindi ko na kinayanan sumuka na talaga ako..

"Cheska!! Ayos ka lang ba Cheska? Dapat kasi hindi ka na pumunta doon alam mo namang may phobia ka sa dugo eh"

buti na lang dumating agad si Jasper para pakalmahin ako kung hindi baka di ako matapos-tapos sa pagsuka

"Ano ok ka na ba? Buti na lang nakisawsaw ako sa kaguluhan kung hindi baka kung ano na ang mangyari sa iyo."

Bigla namang dumating si Miss Sanchez na nagmamadali at maya-maya lang puro hagugol lang ang narinig sa loob ng silid

"Si Miss Sanchez! Kelangan ko siyang puntahan Jasper"

"Ah eh..ayos ka na ba?o sige na nga tara na."

inalalayan niya ako papunta sa loob kasi medyo hilo pa rin ako sa mga nangyayari. Nang makapasok kami sa loob, nakalatag na si Miss De Vega sa sahig. Wala na siya sa kanyang pagkakabigti pero kita pa rin kung ano ang nangyaring damage sa kanya. Nakagapos na mga kamay,may busal sa bibig,lapnos ang kaliwang bahagi ng kanyang mukha na sa tingin ko ay kagagawan ng asido at higit sa lahat ang sunog niyang leeg dahil na rin sa cable wire na nakapulupot dito. Isang maling galaw at sigurado kong putol na ang leeg ni Miss De Vega. May mangilan-ngilan din siyang saksak sa braso at bewang.

"Anne naman! Sino ang may gawa nito sa iyo? Sino ang walanghiyang gumawa nito sa iyo?"

iyan ang hinagpis ngayon ni Miss Sanchez habang inaasikaso ng mga pulis ang bangkay ng isa sa mga guro ko. Natatakot man ako, niyakap ko pa rin siya pang palubag loob man lang sa nangyari

"Miss Sanchez tama na po! Wala na po tayong magagawa pa. Hayaan na lang po natin ang mga pulis na umasikaso."

"No Cheska! Pinatay si Anne! Pinatay ung teacher mo! Pinatay ung kaibigan ko!! Cheska!!sino ang gumawa nun kay Anne??Sino??"

Habang inaayos ang crime scene, unti-unti na ring pinababalik ang mga estudyante sa labas sa kanilang mga klase. Dumating rin ang namamahala sa buong unibersidad para kausapin ang mga pulis tungkol sa nangyari. Nagpaiwan ako sa theater room para samahan si Miss Sanchez dahil na rin sa request niya habang pinabalik ko naman na si Jasper sa kanyang klase.

"Uhm..excuse me po Miss?" paglapit samin ng isang pulis na sa tingin ko ay ang chief

"Miss Sanchez.. Cess Sanchez.." tugon naman ni miss

"Good morning po Miss Cess Sanchez. Tanong ko lang kaano-ano niyo po ang biktima bukod sa co-teachers kayo? Ano pa po ang relasyon niyo sa kanya?"

"Matalik kong kaibigan si Anne. Magkaibigan na kami simula nung high school pa,sabay kaming kumuha ng parehong kurso at sabay din na pumasok sa paaralang ito. Kung alam ko lang sana na kahapon ang huli naming paguusap sana isinabay ko na lang siya sa aking paguwi.." at humagulgol na naman si Miss

"Sige po maam,salamat sa impormasyon"sabay alis nito pero bago iyon ramdam ko na matalim niya kaming tiningnan ni miss sanchez

"Miss Sanchez tara na po. Ipaubaya na natin sa mga pulis ang nangyari. Huwag kayong magalala mabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Miss De Vega"

•••••••

Pagtapos ng mga nangyari pinayuhan ng ibang guro na umuwi na lang si miss sanchez at magpahinga.

Samantalang ako medyo tulala pa rin sa mga pangyayari.. iniisip kung ano ang nangyari at humantong sa ganoong kalagayan ang isa sa aking guro. Nagbalik lang ako sa aking wisyo ng guluhin ni Jas ang buhok ko.

"Ano ba Jas??"

"Kanina ka pa kasi tulala diyan. Kalimutan mo muna ang nangyari kay miss de vega,wala na tayong magagawa nangyari na eh"

"Kawawa naman kasi si miss,ambait niya tapos ganun ang nangyari sa kanya."

"May mga bagay talagang kailangan matapos kaya pwede ba wag mo nang isipin pa iyon. Ang pagtuunan mo ng pansin ung play"

mejo di ko gets nung una ung sinabi niya kaya binigyan ko na lang siya ng isang tipid na ngiti

Uwian na namin at nagaayos na ako ng gamit sa aking locker ng may makita akong maliit na papel at nang mabasa ko ang mensahe bigla akong kinilabutan at the same time kinabahan kaya nilukot ko agad ito at ibinulsa, baka kasi may makakita pang iba.

Nang makauwi ako muli kong binasa ang mensahe sa papel, ano kaya ang gusto nitong ipahiwatig sa akin??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Those SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon