Ang kagandahan mo'y mistulang tala,
Nagniningning, liwanag ay hindi nawawala.
Ngunit ako'y hanggang tingin, hanggang sulyap na lamang ba?
Sayong nasa itaas, at akong narito sa ibaba.Mistula kang tala sa gabing madilim, sa gabing malamig.
Hinihintay kang lumitaw, makita man lang saglit.
Kaya ko'ng maghintay, balang araw pa o higit.
Mapansin mo lamang, itong isang taong sapat nang sayo'y nakatitig.Tala, tala ka para sa akin.
Ang mangitian mo man lang, aking tanging hiling.
Makausap ka man lang, pag-asa'y di sasayangin.
Sana'y makamtamtan, sana'y makapiling.
BINABASA MO ANG
Tula sa Puso
PoetryMga tulang produkto ng kawalang ginagawa ng aking mapaglarong utak.