"Sino kayo?" Gulat na tanong ko at napatayo mula sa pagkakaupo ko.
Walang sumagot sa kanila. Basta na lang sila sumugod at hinablot ang braso ko.
"Bitiwan n'yo ako!" sigaw ko at pilit na kumakawala sa dalawang lalaki na hawak ako sa braso ko.
Habang pilit akong nanlalaban ay isang babae ang pumasok sa templo. Napatigil ako sa pagwawala nang makilala ko ito.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong sa tiyahin ni Thalia.
"I should've killed you long time ago," sambit niya kbago ngumisi.
Hindi ko naman nauunawaan ang sinasabi niya pero galit ako sa kan'ya.
"Masama ka!" sigaw ko sa kan'ya.
"Oh, yes! Masama ako!" sigaw niya pabalik.
Pilit akong kumakawala sa may hawak sa akin pero sadyang malakas sila. Lalo lang humahapdi ang hawak nila sa akin kapag nagwawala ako.
"Sino ka ba talaga?" Seryosong tanong ko sa kan'ya.
Ngumisi ito bago sumagot, "Hindi mo na kailangang malaman, mamamatay ka rin naman."
Kinabahan ako sa sinabi niya. Papatayin niya ako? Ano bang kasalanan ko sa kan'ya?
May bagay siyang tinaas at tinutok sa akin. Madalas ko iyong makita kay Klien at sa mga kaibigan niya, baril ang tawag doon pero hindi ko naman alam kung para sa'n ba ang bagay na iyon.
"Alam mo ba kung para saan ang bagay na ito?" Tanong niya bago hinipan ang dulo noon.
"Para s-san?" kinakabahang tanong ko. Hindi maganda ang pumapasok sa isip ko.
"Gamit ito para pumatay, at sa iyo ko ito gagamitin!"
Kinabahan ako, hindi para sa sarili ko kundi kay Klien. Kung gano'n ay maaaring pumapatay din siya. Kung para sa pagpatay ang bagay na iyon, bakit may gano'n si Klien at ang mga kaibigan niya? Ayokong isipin na masamang tao sila, dahil maayos naman nila akong pinakisamahan. Hinatid pa nga ako ni Louis kahit na ang sabi niya ay abala siya. Si Vasier naman ay mabait kahit na malapit na itong mabaliw.
"Natatakot ka na ba?"
"Ha?" nagulat ako sa pagtatanong niya dahil malalim ang iniisip ko.
"Ahh!" napasigaw ako nang makarinig nang isang malakas na putok.
Pagtingin ko sa ginang ay nabitiwan na niya ang hawak niyang baril at nakatutok na sa sintido niya ang baril na hawak ni Louis. Nanlaki ang mata ko sa bilis ng pangyayari, hindi manlang namin naramdaman ang paglapit o pagdating ni Louis.
"P-Papaanong..." nanginginig na sambit ng ginang.
Ngumisi si Louis at sumilip sa akin at sa dalawang nakahawak sa braso ko.
"Kung ako sa inyo ay bibitiwan ko na ang diyosa. You don't wanna see Klien very mad," sabi ni Louis.
Hindi ko naunawaan ang mga ingles na tinuran niya, pero narinig ko ang pangalan ni Klien.
Mabilis akong binitawan ng dalawang lalaki.
"Mga inutil! Bakit n'yo binitiwan?!"
"Come here." Napalingon ako sa nagsalita sa bulwagan ng templo.
"Klien!"
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kan'ya. Nilibot ng mata niya ang kabuuan ko, tila sinusuri niya kung may galos ako. Tumigil ang mga mata niya sa magkabilang braso ko. Tinignan ko iyon at nakita ko ang pamumula noon. Nahihiya kong tinago ang kamay ko sa aking likod.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kan'ya.
Binaliwala niya ang tanong ko at hinigit ako palapit sa kan'ya. Nilagay niya ako sa likod niya at hinarap ang tiya ni Thalia.
"What do you think are you doing?" Malamig ang boses ni Klien.
"K-Klien! Magpapaloko ka ba sa babaing 'yan? Hindi 'yan diyosa!"
"Papaano mo nasabi?" Matigas na tanong ni Klien.
Maging ako ay kuryoso sa kung ano man na sasabihin niya. Bakit nga ba alam niya na hindi ako totoong diyosa? Ano bang alam niya sa akin.
"H-Ha? H-Hindi naman totoo ang diyosa," sagot nito at umiwas ang tingin.
Nagsisinungaling siya. Nauutal siya habang sumasagot, ano ba talagang tinatago niya.
"No need to lie, alam ko nang totoo."
Mabilis akong tumingala kay Klien kahit na nakatalikod ito sa akin. Alam na niya? Anong totoo?
"A-Ano?" Lalapit sana siya sa amin ni Klien pero diniin ni Louis ang baril na nakatutok sa kan'ya.
"Operation rescue the goddess!"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Vasier papasok sa templo habang sumisipol-sipol pa. Hindi manlang siya nilingon ni Klien at Louis, tanging ako lang ang bumaling sa pagdating niya.
"Get her." Tumingin ako nang magsalita si Klien.
"Sumama ka muna kay Vasier," mahinahong sambit ni Klien habang humaharap sa akin. Inayos niya pa ang ilang takas na hibla ng buhok ko. Nilagay niya iyon sa likod ng tenga ko.
"Sigurado ka? Hindi ba ay malapit na iyong mabaliw?" Tanong ko kay Klien.
Kinagat ni Klien ang ibabang labi niya. Tila pinipigilan ang ngiti o tawa.
"Okay lang, sumigaw ka lang kapag may masamang ginawa sa'yo o pag tuluyan nang nabaliw," sabi niya bago hinalikan ang noo ko.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa ginawa niya. Agad akong tumalikod sa kan'ya at naglakad papalapit kay Vasier. Ngumisi si Vasier nang makalapit ako sa kan'ya.
"I think I'm the lucky one, I'm with the goddess!"
"Don't do anything foolish, Vas. Don't you dare."
Umalis na kaming dalawa ni Vasier sa templo. May iba pang mga tauhan na nasa labas ng templo. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa dahil nandito sila para sa akin. Hindi ko alam kung papaanong nandito sila sa tamang oras. Hindi ako napahamak dahil nandito sila. Pero natatakot ako sa pwede nilang gawin sa tiya ni Thalia. May mga baril sila, ayokong gumawa sila nang masamang bagay dahil lang sa akin.
"Mag-uusap lang naman sila 'di'ba?" Tanong ko kay Vasier habang naglalakad kami palabas ng gubat.
"Hmm? Hindi ko kayang sagutin 'yan," sabi niya.
Napatigil ako sa paglalakad ko.
"What?" Takang tanong niya nang tumigil ako.
"Bumalik tayo!"
"What no! Baka ako ang patayin ni Klien kapag ginawa natin 'yon!" Reklamo niya.
Ibig sabihin ay posibling pumatay nga sila!
"Edi mas lalong kailangan nating bumalik!"
"No! I mean, mag-uusap lang naman sila ro'n," sabi nito at hinigit na ako para magpatuloy sa paglalakad.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
"Tss, as if Klien can hold himself when it comes to you."
"Ano?"
"Sabi ko, oo."
Hindi ko alam kung iyon nga ba ang sinabi niya, mahaba ang binanggit niya tapos oo lang? Dapat talaga akong matuto magsalita ng ingles, para hindi nila ako naloloko.
BINABASA MO ANG
The Goddess Heart
RomanceKlien Aquino is one of the deadliest and heartless mafia. Siya ang tinuturing na ika-labing isang mafia devil. Dahil sa isang aksidente ay na-coma ang kan'yang fiance. Desperate enough, Klien kidnapped the Goddess of Santora Forest. Sa pag-asang bak...